MALIWANAG na nang magising si Valtus. Wala si Lani sa tabi niya. Nasa banyo marahil. Napakaganda ng kanyang panaginip. Ngunit nang makaahon siya sa kama at makitang wala siyang saplot ay saka lang niya naalala na hindi lang panaginip ang mga naganap sa kanila ni Lani ng nagdaang gabi.
Lomobo kaagad sa kaligayahan ang dibdib niya. Pinayagan siya ni Lani na may mangyari sa kanila. Nagkaroon tuloy siya ng panibagong pag-asa na sa dulo ng lahat ng ito ay siya at hindi si Xaniel ang pipiliin nito.
Higit sa lahat ay natutuwa siya na madiskubreng nakalaya na talaga siya sa nakaraan. Hindi niya naalala ang need for aggression habang nagniniig sila ng asawa. Wala siyang iniisip kagabi kundi ang mapaligaya ito at maiparamdam kung gaano niya ito kamahal.
Hinintay niyang lumabas sa banyo si Lani ngunit nainip na siya ay hindi pa rin ito lumalabas. Tumayo siya para sundan ito roon. Ngunit walang Lani siyang nakita sa banyo. Tiningnan niya ang oras sa smart phone niya. Mag-aalas otso na pala. Nagutom marahil ang asawa niya at lumabas na para kumain. Ngayon lang niya naalala na hindi na nga pala nila nagawang maghapunan kagabi.
Nagmadali siya sa paliligo para sundan si Lani sa restaurant ng resort. Pero nang hanapin niya sa labas ang asawa ay hindi niya ito matagpuan. Kinabahan siya. Hindi kaya pagkatapos na may mangyari sa kanila ay napag-isip-isip na ayaw na nito? Na nabaliw lang ito sandali at nang magising ay nagsisi kaagad sa kanilang ginawa?
Bumalik siya sa kanilang hotel room. Saka lang niya nakita ang maliit na note sa ibabaw ng side table.
Valtus, hindi na kita ginising. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag ito sa iyo. Pero kailangan ko munang umalis. Kailangan naming mag-usap ni Xaniel. I’m sorry. Nagkamali ka sa akin noon. Ako naman ang nagkamali sa iyo ngayon. Hindi tayo magkakaroon ng peace of mind kung hindi maiaayos ang mga dapat munang isaayos. I know this is the right thing to do.
Lani
Tulala si Valtus pagkaraan ng dalawang ulit na pagbabasa sa sulat na iniwan ng asawa. What is the right thing to do? Ang iwan na naman siya nito at balikan ang Xaniel na iyon?
Naisubsob niya ang mukha sa mga palad. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Pinayagan lang ba ni Lani na mangyari ang nangyari sa kanila kagabi para timbangin kung sino sa kanila ni Xaniel ang mas mahal nito?
Kahit anong gawin niyang pag-a-analyze sa sulat ay balik pa rin nang balik ang isip niya sa parteng: Ako naman ang nagkamali sa iyo ngayon. Ayaw niyang bigyan iyon ng negatibong interpretasyon pero iyon ang sumisiksik sa isip niya. Dahil afterall, sinabi nito mismo sa kanya na hindi na siya kundi ang Xaniel na iyon na ang mahal nito ngayon.O, ano ka ngayon, Valtus? 'Kala nakapuntos ka na, 'no? Sorry ka na lang. Sarreh!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/128631552-288-k349184.jpg)
BINABASA MO ANG
Alias (COMPLETED)
Любовные романыAbout a woman who needed to escape from the sex-starved man she loved with all her heart. (Submitted July 2017) Unedited Rated R-18