Unbreak

7K 171 1
                                    

14

NAKARAMDAM ng awa si Lani pagkakita sa lungkot at pagkatalo sa mukha ni Valtus nang sabihin niya rito na makikipaghiwalay na siya, hindi na niya ito mahal at may mahal na siyang iba. Ngayon pa lang niya nakita ang ganitong ekspresyon ng asawa. Ngayon lang din niya nakitang lumuha ito. Biglang naglaho ang air of confidence na dati ay kakambal na nito.
“Naiintindihan ko.”
“Hindi ko sinasadyang biglain ka, Valtus. Kaya lang—”
“Tama ka naman. Ginawan kita ng masama. Tama lang na pagbayaran ko ang mga nagawa kong kasalanan sa iyo, Lani. Hayaan mo, hindi ko pipigilan ang annulment na gusto mong i-file.”
“Salamat naman kung gano’n. Alam kong medyo matagal ang proseso. Kailangan kong kumonsulta muna sa isang lawyer bago mai-file ang annulment. Sana umayon ka na lang sa mga ipapayo niya para hindi tayo magkaproblema.”
“Wala kang magiging problema sa akin. Susunod ako sa gusto mong mangyari.”
“Okay. Kung wala ka nang sasabihin, kailangan ko nang mamalengke.”
“I could see that you’re having fun with what you are doing. You enjoy what you do now.”
Hindi na kailangan pang magtanong ni Lani. Natitiyak niyang nalaman na nito ang ginagawa niyang catering business. “Oo.”
“That’s good. Noong nagsasama pa tayo, na-overlook ko ang need mo na ‘yan to discover your  self worth. Pero ngayon, kung may gusto kang gawin, kung gusto mong magtrabaho o magnegosyo, hindi kita pipigilan. I will support you all the way.”
“Ano bang sinasabi mo? May negosyo na ako. At hindi ko na kailangan ang pagpayag mo.”
“Pero kapag nasa Cagayan de Oro na uli tayo, mahihinto ka na sa ginagawa mo.”
Kumunot ang noo ni Lani. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nakikipaghiwalay na ako sa iyo. Formally. Magpa-file na nga ako ng annulment, di ba? Kaya hindi na ako sasama sa iyo sa Cagayan de Oro.”
“Pero hindi pa naipa-file ang annulment. At kung ma-file man, mag-asawa pa rin tayo hanggang wala pang disisyon ang korte.”
Awang ang bibig na napatanga siya kay Valtus.
“You heard me. Sa ngayon, nasa akin pa rin ang buong karapatan sa iyo. Pero sa oras na may disisyon na ang korte at annulled na ang kasal natin, malaya ka nang bumalik sa boyfriend mo.”
Bumalik ang takot na naramdaman niya kanina.
“Gusto ko lang tandaan mo, Lani. Wala ka nang dapat ikatakot sa akin. I will never rape you again, or knowingly hurt you. Pero sa ngayon, pakiusap, kailangan mo munang sumama sa akin sa Cagayan de Oro. Sa mata ng tao, lalo na ng mga tao doon, at sa mata ng Diyos, mag-asawa pa rin tayo.”

NAPANGIBIT si Lani na parang may sumampal sa kanya nang makita ang pamilyar na sala at kitchen counter. Muling nanumbalik sa isip niya ang masasakit na alaala ng pang-aabusong ginawa noon sa kanya ni Valtus. Naroon na sila sa bahay sa Cagayan de Oro. Kanina, hindi na siya nakapagpaalam nang maayos kina Xaniel at Ayeth. Tinawagan na lang niya ang dalawa sa cell phone at sinabing natagpuan na siya ni Valtus. Na tatawag na lang siya uli.
Nagpapasalamat siya at nauunawan ni Xaniel ang sitwasyon niya. Nag-aalala lang ito na baka abusuhin na naman siya ni Valtus. Tiniyak naman niya sa binata na hindi na iyon magagawa sa kanya ni Valtus. Lalaban na siya sa pagkakataong iyon. Kung kinakailangang mag-eskandalo siya ay gagawin niya. Ipapupulis niya ito kung kinakailangan. Kung saka-sakali, makasuhan man ito o hindi, hindi na siya magsasawalang-kibo.
Hindi pumayag si Valtus na bumalik pa siya sa bahay na tinutuluyan. Idiniretso siya nito sa airport at isang chartered plane ang sinakyan nila. Buong biyahe nila ay kabadong-kabado siya. Wala siyang pinanghahawakan kundi ang sinabi ni Valtus na nagbago na ito matapos sumailalim sa isang psychiatric treatment, at ang pangako nito na hindi na siya aabusuhin o sasaktan.
Napansin ni Valtus ang reaksiyon niya. “Why? May masakit ba sa iyo?”
Hindi niya pinansin ang concern sa tinig nito. Pagkatapos ng mga ginawa nito ay mahirap nang ibalik ang buo niyang tiwala. “H-hindi ko na kayang tumira pa dito, Valtus,” naluluhang sabi niya. “Bumabalik lang lahat ng sakit.”
Hindi agad ito nakaimik. Tumitig lang sa kanya. At pagkatapos ay inilabas ang phone. May tinawagan ito. Pagkatapos ng tawag sa kausap ay may tinawagan uli bago siya binalikan. “Sabihan mo si Manong Susing na aalis tayo. Wait for me in the car. May kukunin lang ako.”
Sinunod niya ang sinabi nito. May sampung minuto lang yata ang dumaan at sumakay na rin ito sa kotse dala ang isang duffel bag. Damit daw nila ang laman noon. “Saan tayo pupunta?” tanong niya.
“May bakanteng apartment daw na malapit dito. Along Grand Europa lang. Doon muna tayo pansamantala. Lilipat na lang tayo kapag nakahanap ako ng mas magandang lugar.”
Hindi na siya umimik. Iniisip marahil ni Valtus na kaartehan lang niya ang pagtangging tumira  sa bahay nila. Hindi niya alam kung nagtitimpi lang si Valtus sa kanya. Tahimik lang ito. Parang may malalim na iniisip.
Sinalubong kaagad sila ng may-ari ng apartment. Ito ang nag-tour sa kanila. Unfortunately, sa second floor lang daw may bakante. Pero malaki iyon. May furnitures na at importanteng appliances tulad ng aircon, ref at lutuan. May veranda, maluwang ang sala at kusina. Maluwang din ang kuwarto pero iisa.
Namumrublema si Lani nang gumabi na. Hindi niya na kayang matulog na katabi sa iisang kama si Valtus. Kaya nagpasya siya na sa sofa sa sala na lang matulog. Pero hindi ito pumayag. Sa silid siya nito pinatulog at ito ang lumabas para matulog sa sala.
Pero bandang madaling araw ay kinatok siya nito. Gagamit daw ito ng banyo kaya napilitan siyang pagbuksan. Wala siyang kakilos-kilos habang nasa loob ng banyo si Valtus. Nakabalot sa kanya ang comforter at ulo lang ang nakalitaw sa kanya. Nakahinga lang siya nang lumabas na ng banyo si Valtus at ng silid.
Hindi na nakatulog si Lani. Iniisip niya ang kasalukuyang sitwasyon. Paano pa mapapanatag ang loob niya ngayong magkasama na uli sila ni Valtus? Puwede ba niyang panghawakan ang pangako nito na kahit kailan ay hindi na siya pagtatangkaang halayin? Paano kapag dumating ang pagkakataon na hindi nga siya hahalayin pero igigiit naman ang marital rights sa kanya?
Napakahirap ng sitwasyon niya ngayon. Halos anim na buwan siyang naging payapa sa pagtira sa bahay nina Xaniel. Ngayon ay bumalik na naman siya sa takot at pag-aalala.
Napabangon siya nang may marinig na ungol. Naisip niya na baka binabangungot si Valtus. Lumabas siya ng silid. Napako siya sa kinatatayuan nang makitang nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa poste ng sofa at yumuyugyog ang mga balikat.
Sinakmal ng awa ang puso niya para dito. Nauunawaan niya na nagsisisi ito sa mga nagawa sa kanya, pero nakapagpasya na siya.
Pagbangon ni Lani kinaumagahan ay naligo siya agad. Ayaw niyang maunahan ni Valtus sa paliligo. Mas mapapalagay siya kung sa sala na lang muna mananatili kaysa sa loob ng silid habang naliligo roon ang asawa. Paglabas niya ng silid ay may mga maleta sa sala. May nakahanda na ring almusal sa mesa. “Bakit may mga suitcase dito?” tanong niya kay Valtus bago ito pumasok ng silid.
“Mga damit natin. Ipinahanda ko ‘yan kay Manang Brieta. Pupunta tayo sa resort. Naisip ko na baka mas makakatulong kung maiiba muna ang environment mo.” 

Alias (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon