Reality

12.2K 265 18
                                    

May mga pagkakataon din na mabait sa kanya si Valtus. Kapag hindi ito nakakaramdam ng sexual urges. Kapag satiated na ito sa pakikipag-sex. Para itong normal na asawa. Normal na tao. Inaasikaso siya. Tinutulungan sa mga gawaing bahay gaya ng pagluluto at paglilinis. Kung minsan sinasamahan siya sa paggo-grocery. At kinukuwento siya nito sa mga bagay-bagay.
Generous din si Valtus. Madalas siyang pasalubungan at bilhan ng kung ano-ano. Katunayan, mula nang magsama sila ay tatlong jewelry set na ang naibigay nito sa kanya bukod pa sa engagement ring at wedding ring. Puno na rin ng mga bagong damit ang kanyang closet. Ang mga sapatos na binili nito para sa kanya ay kadalasang Italian made pa. Ito rin ang bumibili ng high-end na mga gamit niya, signature bags and accessories na inaakala nitong magugustuhan niya. Gusto ni Valtus na lagi siyang nakapustura. Laging magandang tingnan. Pero ang kabaitan nito ay nagwawakas kapag nakakaramdam ng pangangailangang sekswal.
Malaki ang bahay. Victorian inspired. Napakaganda ng pagkakagawa. Pero hindi makita mula sa labas ang magandang architecture. Napapalibutan iyon ng matataas na steel fence na ang mga butas ay idinisenyong walang makikita mula sa labas pero kita ng nasa loob ang nasa labas.
May kaya si Valtus at kayang umupa ng kahit sampung katulong. Pero ayaw nito ng may makakasama silang ibang tao sa loob ng kanilang bahay. May mag-asawa lang na katiwala at driver na nakatira sa tabi ng bahay nila, si Manang Brieta at Manong Susing. Regular na naglilinis ng bahay si Manang Brieta tuwing ikalawang araw. Naglalaba rin ito minsan sa isang linggo. At nagtutungo lang doon ang ginang kapag nakaalis na ng bahay si Valtus. Ang iba pang gawain ay silang mag-asawa na ang gumagawa.
Sa mga ginagawa ni Valtus sa kanya, hindi na siya dapat magtaka kung bakit mas pinili nitong mag-solo sila. Kung bakit halos lahat ng sulok ng bahay ay may mga sofa at benches. At kung bakit ikinukubli ng disenyo ng bakod ang magandang bahay.  
Minsan nang pinangahasan ni Lani na kausapin si Valtus tungkol sa abnormal sexual behavior nito. Dadalawang linggo pa lang na naikakasal sila noon. Itinaon niya na malamig ang ulo ng asawa. Umaga iyon, nasa kusina sila, magkatulong na nagliligpit ng kanilang pinag-almusalan. Diretsahan ngunit mahinahon na sinabi niya rito na hindi normal na lagi siyang nasasaktan tuwing magse-sex sila. Na baka makatulong kung kukunsulta sila sa isang professional.
Nawala ang magaang na mood ni Valtus. Mataas kaagad ang tono nang magsalita. “Anong professional help? You mean, isang psychiatrist? Iniisip mo bang may sira ang ulo ko?”
“Of course not,” maagap na sagot niya sa madiplomasyang tono, sinisikap na maging mahinahon kahit gusto na niyang sumabog sa frustration. Noong mga panahon na iyon ay hindi pa siya nakakapag-adjust sa sitwasyong kinasadlakan. “Pero siguradong makakatulong siya para mawala ang aggression mo kapag… k-kapag nagse-sex tayo.”
“There is nothing abnormal when we are making love, Lani…”
Making love, my foot! We never made love, Valtus. We just had had sex. Pero paano niya iyon ipapamukha iyon dito kung ganitong mainit na agad ang ulo?
“Sobrang mapaghanap ka lang. You seemed to fantasized too much about those love scenes you saw on movies or read on books.”
“Sobrang paghahanap na ba ang mag-expect ako ng pag-iingat at respeto mula sa iyo? Kung ang ‘making love’ na sinasabi mo ay tulad ng ginagawa mo sa akin, wala na sigurong babae na gugustuhin pang makipag-sex kahit kailan. Walang asawa na gugustuhin na paulit-ulit siyang i-repe ng asawa niya.”
“Rape?” nandidilat ang mga mata ni Valtus sa kanya. May gana pang maging indignant. “I wasn’t raping you. Normal sa isang asawang lalaki ang ginagawa ko sa iyo. Nasobrahan ka lang sa expectations. Well, this is reality. Hindi kailangan dito ang cinematic effect.  There is no such thing as being gentle and soft when it comes to making love. You should know that by now.”
Hindi na niya nagawang makipagtalo kay Valtus nang bigla siya nitong haltakin sa kamay at igiya sa kanilang silid. Pahaltak na hinubad nito ang damit niya. Muli na naman niyang naramdaman ang abusuhin ng sariling asawa.
Asawa.
Lahat ng magagandang konseptong nasa isip niya noon tungkol sa salitang asawa ay wala na ngayon. Naglaho nang lahat. Sinira ng realidad sa pagitan nila ni Valtus.
Mula nang magsama sila, mahabang panahon din niyang sinisi nang paulit-ulit ang sarili. Afterall, wala namang nanutok ng patalim o baril sa kanya noong nasa altar sila ni Valtus; at tinatanong siya ng pari kung gusto niya itong makasama sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at sakit, at hanggang sa kamatayan.
Oo nga at ang unang niligawan ni Valtus ay ang kanyang inang si Lota. Nagpakita ito ng kabutihan at kabaitan sa kanyang mama. Umapaw ang mga regalo at pabor para sa kanilang mag-ina. He had played well the role of a smitten suitor. At gaya ng pangkaraniwang babae ay kinilig din para sa kanila ang mama niya. Sa ikalawang buwan pa lang ng puspusang panliligaw ni Valtus sa kanya ay ipinaramdam na ng kanyang  mama na boto ito sa sa lalaki.
Ang kaibigan niyang si Ivony ang tanging tao na nagbigay ng misgivings nang sagutin niya ang panliligaw ni Valtus pagkaraan ng labing-isang linggo mula nang manligaw ito.
“Bakit thirty-two na pero binata pa din, eh sobrang guwapo naman? Bakit walang kamag-anak? Sure ba talaga na binata pa ‘yan? Baka dapat ipa-background check mo muna. Baka hiwalay sa asawa. Baka may anak sa labas.” 
Hindi niya pinansin ang mga inilitanya ni Ivony. Sole owner si Valtus ng limang malalaking fishing vessels sa Cagayan de Oro. May malaking percentage of shares din ito sa pinakamalaking canned tuna manufacturing company sa Cagayan de Oro na may distribution sa Asian countries at sa buong Pilipinas. Naisip ni Lani na imposibleng lumago ang kabuhayan ni Valtus kung may iregularidad na ginagawa ito sa buhay.
Pero ang tunay na dahilan kaya siya napasagot ni Valtus ay dahil naramdaman niyang hindi na siya matatahimik kahit kailan kapag nawala ito sa buhay niya. Ganoon ang epekto ng puspusang panliligaw sa kanya ng lalaki noon. Sa edad na dalawampu’t lima, para siyang nanumbalik sa pagiging teener. Muling naramdaman niya ang nakakapanghina ng tuhod na kilig, ang nakakapanginig ng gulugod na titig, ang nakapagpapasaya na pagbibigay nito ng labis-labis na atensiyon.
She was in love, truly and madly in love with Valtus. Iyon ang pakiramdam niya ng mga panahong iyon. Parang hindi na niya makakaya na hindi ito makita araw-araw. 
Ngayon, pinipilit na lang niyang kayanin na araw-araw itong makita. Na sa araw-araw na hirap ng loob at ng katawan na pinagdaraanan, dasal niya na makalaya na sana.

Alias (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon