Elaine POV
Ang akala ko yung nangyayari samin ngayon ni Dwight yun ang sinasabi ni mama na Sacrifice ngunit hindi pala may totoong mangyayari sa buhay ko na kailangan ng sakrapisyo at kakayanin ko hanggat sa makakaya ko."Ahh.Mama..may leave pala ako next week para sa business presentation namin kaya di na muna ako makakadalaw sa inyu"sabi ko habang naghahanda ng makakain.
"Leave na naman anak,pangatlong leave mo na yan ah tapos tag.isang linggo pa.Anak baka mapagod kana niyan.Yung ibang employees mo muna kaya ang papuntahin mo dun"
"Ahh..kasi Ma..kailangan kasi ako eh yung pupunta dahil ako yung nakakaalam ng flow ng presentations "
Napabuntong-hininga naman si mama habang nakatingin sakin.
"Ok,but Elaine don't forget to rest.Ok.Sobrang babad mo na nga sa trabaho mo eh,tapos ngayon niluto mo pa lahat namin ng favorite na ulam ng Papa't kapatid anak.Ano bang meron anak??"
"Ahh-wa-wala lang Ma,gusto ko lang ulit kayo niyan lutuan nila Papa at ni bunso."
------------
Pagkatapos noong anniversary namin ,umalis na sa showbiz si Dwight.Ni widraw niya yung contract at di tinuloy yung movie kaya usap-usapan ngayon ang nangyari sa kanya.Hindi ko naman akalain na gagawin niya yun.Hindi ko naman gustong iwanan niya ang showbiz.Gusto ko lang naman na maglaan lang siya sakin kahit kunting oras.Pero Simula din noong umalis siya sa showbiz,hindi na katulad ang nangyayari samin noon.Mas matagal na siyang umuuwi galing office at minsan hindi na rin katulad noon ang magandang pakikitungo niya sakin.Feeling ko napaka desperada kong asawa.Bumaba na ako para mag-almusal.Baka nauna na sakin si Dwight.Nakita ko naman siya na nasa mesa nag-aalmusal.Nakasuot na ito ng pang.office.
"Good morning,Hubby"bati ko sa kanya.
"Good morning"cold na sabi nito.
Tahimik lang kami habang nag-aalmusal.
"By the way,next week we will have a family reunion.Kaya we should be there"
"Ahhh..next week??..Sorry,pero hubby kasi may leave ako next week eh."
Bigla naman siyang huminto sa pagkain niya.
"Leave?na naman?Elaine,this is an important event.Pang-ilang leave mo na yan."padabog niyang nilapag ang kutsara't tinidor niya at umalis papuntang trabaho.
Napatulo nalang yung luha ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Palage nalang kaming nagkakaganito.
"Mam Elaine ok lang po ba kayo?"
Pinahid ko agad ang mga luha sa mga mata ko ng di mahalata ni Manang Liza.Nasa 50 na si Manang at matagal na siyang nagtatrabaho bilang katulong samin.Siya lang din palageng nakakausap ko.
"Ok lang po ako,Manang."
"Kayong mag-asawa talaga oh.Noong una si Sir yung walang time sa inyo.Tapos ngayon nawawalan na rin po kayo ng time dahil po sa leave niyo.Alam niyo po mam,Ang mabuti pa pag-usapan niyo ng maigi yan at maglaan naman kayo ng oras para sa isa't-isa."
"I am doing my best naman to give time with him Manang eh kaso kung saan vacant ako wala naman siya.Tapos vacant naman siya wala naman ako.It's complicated talaga manang eh"
"Kasi nga puro kayo trabaho,subukan niyo nalang po kayang iwanan muna yang trabaho niyo pareho kahit sandali lang.Kahit makapag-bonding man lang kayong dalawa"
----------------
Napahawak nalang ako sa noo ko.
Kailangan ko siyang makausap kahit sandali lang.Nagbihis ako ng pormal at nagluto ng paborito niyang ulam.
Ngayon palang ako makakapasok sa office niya.
Pagdating ko maraming employees ang nakakatagpo ko.Malaki pala talaga yung company na hinahawakan ng asawa ko.Sobrang ganda ng pagkaka-organize.
Tinanong ko sa may information desk kung saan ang office ni Mr. Scottrenzer.Nasa ika-15 na palapag pa raw kaya sumakay na ako ng elevator.Pagpasok ko palang sa opisina nila.Sobrang laki at napapalibutan ng glass windows kaya kitang-kita ang buong labasan nito.Sobrang dami rin ng employees.Nang tinanong ko yung isang employee kung saan ang office ni Dwight.Tinuro niya sakin yung bandang dulo.Remoted glass window yung office ni Dwight kung gusto niyang makita ang mga nangyari dito sa labas at kung gusto naman niyang di siya makikita pwede niya ring gawin yung gamit ang remote niya.Makikita sa labas si Dwight na may ginagawa ito.at maya-maya isang familiar na babae ang lumapit sa kanya.Jessica??A-anong ginagawa niya rito?
YOU ARE READING
Till Death do us Part(COMPLETED)
RomanceI thought my life is so perfect. I have a perfect husband who's my ultimate crush since high school,a perfect family and a perfect life. He loved me,he care for me and he trusted me as much as i trusted him. Pero tulad ng sabi ko,akala ko lang! The...