Simula noong gabing yun hanggang sa umuwi ako galing sa 1 week leave ko.I tried to talk with Dwight pero wala pa rin.Hindi ko na siya nakakasabay kumain dahil di ko na siya naabutan paggising ko.Late na rin siya umuuwi pag.gabi at minsan pag.hinihintay ko siya di siya umuuwi.Kaya araw-araw wala akong ginawa kundi magkulong at umiyak sa kwarto.May ilang araw na hindi umuuwi ng bahay si Dwight.Pinuntahan ko sa bahay nila pero wala siya dun.Gustuhin ko mang puntahan siya sa opisina niya para kamustahin pero ayaw kong mas magalit pa siya sakin.
"Scottrenzer company,magarbong pagdiriwang ng ika-25th anniversary ng kompanya.Iba't-ibang artista at business man ang bumisita.
"Loveteam ng Jesphen,magkapartner pa nga rin ba sa Scottrenzer company."
"Jesphen love team magkapartner nga ba sa ginawang pagdiriwang ng ika-25th na annibersaryo ng Scottrenzer company.Mga netizens tinatanong nga ba kung kelan maging sila??"
Unti-unting tumulo ang luha ko ng makita ko ang sunod-sunod na balitang yun.Ni hindi ko alam ngayon pala yun.
"Bestie!!"Bestie..."
Nakita ko si Maureen na pumasok sa kwarto ko.
"Best*sob*...*sniff*..best..."
"Nakita ko rin best..Walangya talaga yang asawa mo ni hindi man lang niya sinabi sayo.Nang hindi ka masaktan ng ganito"
"Best*sob*...ang sakit na..best eh"
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.
------------
Maureen POVMabuti nalang nakatulog siya.
Naaawa na talaga ako kay Elaine.Hindi man lang siya kayang ipaglaban ni Dwight.Palage nalang nasasaktan ang kaibigan ko.Mas pinili niyang magbabad sa trabaho niya dahil may tiwala siya kay Dwight.Sinigurado ko munang tingnan ang mga kwarto niya pati ang mga drawer at closet.Mamaya baka pag-alis ko kung ano ng gagawin nito.Tinago ko lahat ng may matutulis na bagay.Pagbukas ko sa pangalawang closet may mga papel akong nakitang nakalagay sa isang envelope.Therapy??para saan toh??Junhyung Private Hospital??Anong ginagawa niya rito??Umalis ako agad at pinuntahan ang ospital.Hindi ko alam kung saan yun kaya gumamit ako ng GPS.Elaine,ano ba talagang mga ginagawa mo?
Nang makarating ako sa hospital.Tinanong ko agad sa information desk kung saan yung doctor na nakalagay sa document.Nasa ikalawang palapag pa ito.Pumasok ako agad sa opisina niya.Naabutan ko itong may kausap rin."Magandang Hapon po ,kayo po ba si Doctor Junhyung?"
"Magandang hapon din iha,ako nga.Anong maitutulong ko sayo"
Umalis na rin yung kausap niya kaya kaming dalawa nalang yung naiwan.
"Ahh .itatanong ko lang kung may pasyente ba po kayo ditong Ms. Elaine Villaquer??"
"Elaine Vil--Aaahhh..si Ms. Villaquer.Oh pasyente ko nga siya dito.Isa sa siya sa mga may schedule ng therapy ko."
Schedule ng therapy??
"Po??Ba't po siya magpapa.therapy?"
----------------
Tulala habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko habang papalabas ako ng ospital.Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko.
"Miss Villaquer has a brain tumor"
Bakit Elaine??Bakit mo itinago samin lahat to.Napaluhod nalang ako dahil nanghihina ang buong katawan ko.
-------------Elaine POV
Nagising ako ng marinig ko na may umiiyak sa harapan ko.
"Bestie,bakit?"
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit."Bestie,bakit?Ok ka lang?"
Kumalas na rin siya sa pagkayakap pero bumubuhos pa rin ang mga luha sa mata niya."Bestie,bakit?..bakit itinago mo to sakin?"
"Itinago?,A-anong ibig mong sabihin bestie?"
Bigla niyang ipinakita sakin ang mga documentong tinatago-tago ko at ikinagulat ko ito.Papano niya nakita yan?
"Bestie...kelan pa?*sniff*"
Umupo muna ako ng maayos para magkaharap kami.I have no choice but to tell Mau.
"Noong anniversary palang namin ni Dwight ko lang nalaman Maureen.Nanggaling ako nun sa studio para puntahan si Dwight,nag-away kami nun pagkatapos nun sumakit ng sobra yung ulo ko na para bang sasabog na kaya naisipan kung dumiretso agad ako nun ng hospital.Nagulat ako noong sinabi ng doctor na may malubhang sakit na brain tumor ako.Sobrang iyak ng iyak ako nun dahil di ako makapaniwala.Tinanong ko yung doctor kung may pag-asa pa bang maagapan ang sakit ko.Sabi niya karamihan daw sa mga may sakit na ganito hindi nabubuhay pagkatapos ng opera.May ibang nabubuhay pero limitado lang.Nabubuhay daw pero may mababawasan sa buong pagkatao nila.Either memories,eyesight,o maging tulala habang buhay."
Napatingin naman ako Kay Maureen na patuloy pa rin na bumubuhos ang mga luha sa kanyang mga mata."I'm sorry,Maureen*sniff*...I'm really sorry kung matagal Kong itinago sayo toh.Ayaw Kong mag-alala kayo sakin.Ayaw kong maging pabigat na kaibigan sayo.Yung totoo*sniff*,hindi naman talaga ako nag leave.Yung mga araw na wala ako.1 week akong nag.stay ng ospital para sa therapy ko.Sabi ng doctor yun nalang ang natatanging paraan para madugtungan ang buhay ko.Ginagawa ko yun para makasama ko pa kayo kahit sa mga sandaling araw.si Mama,si Papa,si Eya,Sila ate Dawn at kuya Darren,Sila tito James at tita Divine,yung bridal botique ko,Yung mga bata "sniff* sa orphanage,Ikaw,at ang pinakamamahal kong lalaki sa buong buhay ko.Si Dwight**sobb*sniff*.Sinakrapisyo ko ang lahat para lang makasama ko kayo.Yung mga araw na sinisigawan ako ni Dwight,para sakin masaya na ako nun dahil naririnig ko yung boses niya.Sa Lunes,yun na ang huli kong therapy.Limang therapy lang ang ibinigay sakin ng doctor pagkatapos nun ooperahan na ako.Mau..gusto ko lang sabihin sayo na...........Thank you for being my bestfriend.Kung maaari ikaw na muna ang makakaalam nito.Ayaw kong mag-alala sila.Please.Mau....Ipangako mo sakin na ikaw na muna ang makakaalam ng lahat ng toh*sobbing**sniff*"
Yinakap ako ng mahigpit ni Mau at rinig ko ang hikbi nito mula sa likuran ko.
YOU ARE READING
Till Death do us Part(COMPLETED)
RomanceI thought my life is so perfect. I have a perfect husband who's my ultimate crush since high school,a perfect family and a perfect life. He loved me,he care for me and he trusted me as much as i trusted him. Pero tulad ng sabi ko,akala ko lang! The...