Elaine POV
Flashback
"I'm sorry,Elaine.Ayaw ko mang saktan ka pero ayaw kong mangyari yung mga bagay na mas masasaktan ka dahil sakin"
Junhyung hospital
Nakahiga ako at pakiramdam ko hindi parin kaya ng mga mata ko ang dumilat.Hindi ko rin masyadong maigalaw ang katawan ko.Tanging mga kaloskos at mga boses lang ang pilit na dinirinig ng mga tenga ko.Naramdaman ko nalang na may biglang umupo sa tabi ng higaan ko.Boses palang alam ko ng si Maureen.Gustuhin ko mang makipag-usap sa kanya pero di pa kaya ng buong katawan ko kaya nakinig nalang ako sa mga sinasabi niya.
"Bhest...gumising kana ouh...!!..alam mo best hindi ko alam kung ilang pasensiya nalang ang natitira ko jan kay Dwight.Biruin mo ang kapal ng mukha niyang makipag divorce sayo sa dami ng mga mabuting ginawa mo para sa kanya.Nalaman ko nalang na magpapakasal siya sa bobitang demonyang Jessica na yun sa araw pa mismo noong operation mo pinag-usapan nila yun.Kung di lang sana dahil kela Tita Divine baka itinapon ko na yung vase sa pagmumukha nilang dalawa.Kaya gumising kana bhest.Gusto Kong tulungan mo akong bugbugin ang mga yun sa ginawa nila sayo.Matapos mong pagbigyan si Dwight na unahin yung pangarap niya.Ganun nalang ang igaganti niya sayo.Nanggigigil parin talaga ako sa pagmumukha nilang dalawa hanggang ngayon.Uuuuuugghhh"
Mula ng narinig ko yun.Hindi ko alam kong kaya ko pa bang mabuhay.Iniisip ko nun kung bakit nagpa.opera pa ako.Sana hindi nalang ako nagpa.chemotherapy,Sana1 hinayaan ko nalang ang brain tumor ko,Sana hindi nalang ako pumunta ng hospital ng gabing yun,Sana hindi nalang ako gumaling,Sana hindi naging successful ang operation ko,Sana hindi ko nalang nalaman na may brain tumor a1ko.Hindi ko alam kong sino ang sasandalan ko ng gabing yun.Ni hindi ako makapagsalita at ni hindi ako makagalaw.Pero noong nakita ko si mama na nahihirapang nakatitig sakin.Naisip ko kailangan pa ako nila mama't papa at ng kapatid ko.Kaya inisip ko nun na kailangan kong magpakatatag at magpagaling hindi na dahil kay Dwight kundi para sa pamilya ko.
Flashback end.
Bagong buhay ko na toh ngayon.Wala ng Wifey,wala ng Mrs. Scottrenzer,at wala ng Dwight.Trabaho ko nalang at ang pamilya ko ang tanging umiikot sa buhay ko ngayon.
Mama calling.....
"Mama napatawag ka?,Mamaya.Po?--Ah..OK.susunod nalang po ako.Ma.S-sige.bye.love you din.Mag-iingat din po kayo"
YOU ARE READING
Till Death do us Part(COMPLETED)
RomanceI thought my life is so perfect. I have a perfect husband who's my ultimate crush since high school,a perfect family and a perfect life. He loved me,he care for me and he trusted me as much as i trusted him. Pero tulad ng sabi ko,akala ko lang! The...