Chapter 15

3.2K 50 2
                                    


Elaine POV

Pinaglalaruan ba kami ni Dwight ng tadhana ba't ganito?Lahat nalang ba kailangang madrama?Gaano ba katangkad ang pagsisisi,ba't palage nalang siyang nasa huli?

Flashback...

"Ate,mahal na mahal ka ni kuya Dwight.Nagbago na siya ate.Noong nasa hospital kapa at ilang buwang walang malay, hindi ka niya iniwan,Ate.Hindi na siya halos umuwi sa bahay nila at pumasok sa trabaho para lang bantayan ka.Sa halos araw-araw nakikita kong pinagsisisihan niya ang sarili niya habang nakatingin sayo.At alam mo ba kung ano pinaka.nagpatunay na mahal ka talaga ni kuya Dwight ay yung sinabi niya sa lahat na asawa ka niya.Sinabi niya na malaki ang naging kasalanan niya sayo ate.Ate,please..mahal na mahal ka talaga ni Kuya Dwight"

Wala akong maisagot na sabihin lahat yun ni Eya.Sinundan niya pala ako sa office.Matagal nag-sink in sa utak ko yung mga sinabi ng kapatid ko.Hindi ko alam kong anong sasabihin ko.Pinauna ko muna si Eya na umuwi.
Flashback end...

"Anak"

Tumabi sakin si papa sa may veranda namin.

"Pa"

"OK ka na ba?Ang tagal mong umuwi kagabi?"tanong sakin ni papa habang umiinom ito ng kape.

"May tinapos lang po ako kagabi sa office pa.----------ehmmmmm..Pa,I'm sorry ha,I'm sorry kung parang medyo walang respeto yung pananalita ko kagabi sa bahay nila Tita Divine.Sinabi na sakin ni Eya lahat.Pa!bakit ganun,ganito ba talaga pag.1rst time mong mainlove,masasaktan talaga.Kasi Pa parang sobra na eh,parang sobra na yung love story namin.Hindi ko na alam kung hanggang saan matatapos ang ganito"

Yinakap ako ni papa at napahiga ako sa kaliwang balikat niya.

"Alam mo anak sa pag-ibig hindi natin maiwasang masaktan.Hindi nababase sa experiences ang love.Hindi lahat ng Taken o married masaya pero depende lang yan sa kung paano niyo iniingatan ang relasyon niyo.Hindi sa tadhana yan kundi kung paano niyo panghahawakan ang isa't-isa.Alam mo ba kung bakit pinatawad at nagustuhan parin namin si Dwight para sayo sa kabila ng mga ginawa niya? dahil alam namin na mahal na mahal ka ni Dwight.Marami siyang ginawa para mapatunayan yun.Anak,hindi naman kita masisisi eh kung bakit nagawa mo yun.Naiintindihan kita.Pasensya kana anak kung huli na ng malaman mo lahat.Huli na pala na nakapagdesisyon kana."

"Pa!Anong gagawin ko?Nahihiya na akong harapin si Dwight."

"Anak,kilala ko si Dwight.Alam Kong naiintindihan niya ang mga nangyayari kaya puntahan mo siya.Mag-usap kayo.Sabihin mo kung anong dapat sabihin.Sigurado akong maiintindihan ka niya"nakangiting sabi sakin ni papa.

"Thank you,Pa"

Di na ako nagdalawang isip at tumungo papunta sa bahay nila Dwight.

"Manong,nanjan po ba si Dwight?"tanong ko Kay manong guard.

"Ahh.di niyo po ba alam,Ma'am.Flight po ni Sir Dwight kanenang umaga papuntang France?"

"Ano?!..mga ilang araw daw po siya dun?"tanong ko.

"Nako,ma'am mukang matatagalan pa si Sir dun.Ayun sa narinig ko mga apat na buwan daw po"

"Apat na buwan?"gulat kong tanong.

"Nasa loob po sila Ma'am Dawn baka gusto niyo pong pumasok?"tanong ni kuya guard sakin.

"Sige po,manong.Ok lang po.Napadaan lang din po ako.Salamat Po"

Till Death do us Part(COMPLETED)Where stories live. Discover now