Manang Liza POV"Manang,ako na muna Jan.Magpahinga na muna po kayo"
Kinuha ni Mam Elaine ang hinahawakan Kong sandok.
"Pero Mam trabaho ko po yan kaya ako nalang "
Pero nagmamatigas pa rin ito.Itong batang talaga to.
"Manang naman,bored namn ako dito sa bahay kaya yaan muna.At tsaka------thank you na rin to para sayo.Manang.Maraming salamat sa lahat Manang."
Nagulat naman ako sa mga sinabi niya.
"Kayo naman Mam kung makapagsalita parang saang lupalop kayo aalis.Aie.nasabi rin pala sakin ni Mam Maureen na may leave na naman kayo next week.Mukang malayo-layo ata ang pupuntahan niyo ngayon kasi sabi ni Mam Maureen matagal-tagal daw bago ka makakabalik.Umiiyak nga siya habang sinasabi yun eh.Mahal na mahal ka nga talaga ng best friend mo Mam.Tingnan mo iniyakan kapa kahit magle.leave kalang naman.Nako talaga yung batang yun oh"
"Nako Manang wag mong pansinin yun.Ma drama talaga yung si Maureen mahilig kasi yun manuod ng mga dramas kaya ayun haha..Ahhh.manang dineliver naba yung mga laruan na inorder ko?"
"Ahh..Opo mam,kararating palang po kanenang umaga.Ang dami naman po nun mam ipamimigay niyo po yun sa mga bata sa orphanage?"
Tumango naman ito.Ang bait-bait talaga ng batang toh kahit gano pa kadami ng problema at kababad sa trabaho di pa rin niya nakakalimutan ang mga bata.Ang swerte swerte ni Sir Dwight kay Mam.
"Ahh..manang pakihanda po pitong plato sa mesa.Pakihain na rin yung ibang pagkain.Manag Fe at ate Loida,pakitulong naman po Kay Manang Liza oh.Salamat"
Pitong Plato?wala namang sinabi si Mam na may bibisita ngayon.Ahh.baka may biglaang bisita si Mam hahaha
.Nagulat kaming tatlo ni Loida at Fe ng kasama na ni Mam pabalik ang dalawang guard at ang dalawang hardenero.
"Nakahanda na po ba lahat?"
"O-opo Mam"hanggang ngayon gulat parin kami pareho.
"Ok..so let's eat...sayang wala si Sir Dwight niyo."
"Pero Mam"
"Sige na,sige kayo magagalit ako sa inyu.Ilang taon na kayong nanilbihan sakin kaya pasasalamat ko to sa inyu.Thank you kasi..........di niyo kami iniwan ni Dwight.kaya kain na kayo sige na.Mamaya pala ibibigay ko na ang sweldo niyo"
Nagtinginan naman kami pareho.Simula noong pumasok ako bilang kasambahay dito wala akong ibang masasabi kundi mababait ang amo namin,at maalalahanin pero ngayon ko lang napansin na ganito pa kabait si Mam Elaine kahit alam naming may problem siya hindi pa rin siya sumusuko.Wala kaming ibang choice kundi kumain.Marami kaming naikwento sa bawat isa sa amin.Ikinwento rin ni Mam kung pano sila nagkakilala ni Sir Dwight.Ang nakakatawa kasi pareho pala nilang mahal ang isa't-isa.Di ko alam na matorpe pala ang batang yun.hahaha
---------------------
Elaine POV
Sobrang saya ko na natulungan ko sila mama.Mas pinalaki ko yung Furniture shop namin.Yung kapatid ko naman fashion design din ang kinuha.Gusto niya daw kasing maging katulad ko.
Alas 10:00 na pero hinihintay ko pa rin si Dwight sabi ng Daddy niya uuwi daw siya ngayon.Naging busy daw ito noong ilang araw kaya di ito makauwi.Naiwala daw rin ni Dwight yung cellphone niya kaya di na niya ako ma contact.Maya-maya may bumusina sa labas kaya nagmamadali akong lumabas.Nakita ko nalang na inalalayan ng mga guard si Dwight.
"A-anong nangyari sa kanya?"
Amoy alak si Dwight.
"Ehh..sabi nung baba---ay este nung naghatid sa kanya Mam,nasobraan daw sa alak si Sir"
Tinulungan naman ako nila kuya guard na ihiga si Dwight sa sofa.
"Ako na po bahala dito,salamat po kuya Michael"
"Walang anuman po,Mam"
Sobrang dami nga atang nainom niya.Binihisan ko naman siya ng damit.Saan ba kasi nanggaling ang lalaking to.
Kinuha ko naman yung cellphone niya na nahulog sa sofa.Bago nga yung phone niya.Nang.buksan ko ang On nito.Picture nilang dalawa ni Jessica yung nasa wallpaper niya.Nang tiningnan ko ang gallery niya,unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko.May litrato sila sa isang bar na magkasama,may litrato ring hinalikan ni Jessica si Dwight habang natutulog ito.Halos mahulog yung cellphone sa mga nakita ko.Bakit mo to ginagawa sakin Dwight??Nagtiwala naman ako sayo ah??Akala ko ba mahal mo ako??Napaupo nalang ako sa sahig.Bakit?Bakit?ang daming oras na inilalaan mo sa kanya kesa sakin.?
Binalik ko yung cellphone niya sa kinaroroonan nito.Pagkatapos kung bihisan si Dwight napaupo ako sa katapat ng sofang hinihigaan ni Dwight.!!Siguro sobrang naging mahigpit na ako sayo Dwight?Huwag kang mag-alala Dwight kung magigising man ako pagkatapos ng operasyon ko.Wala ng gagambala sayo.Hindi na kita papakialaman.Nasasaktan ako na nakikita kitang nahihirapan ng dahil sakin.Continue...
YOU ARE READING
Till Death do us Part(COMPLETED)
RomanceI thought my life is so perfect. I have a perfect husband who's my ultimate crush since high school,a perfect family and a perfect life. He loved me,he care for me and he trusted me as much as i trusted him. Pero tulad ng sabi ko,akala ko lang! The...