"Mga Kapamilya let's all welcome..PBB Big Winner!, ang Hot Engineer ng Cebu, SLATER YOUNG!.." anunsyo ng host kasabay ng hiyawan at palakpakan ng mga tao sa open ground na iyon kung saan ginaganap ang big night. Ngayong gabi ang pinakahihintay na sandali ng mga tagahanga at tagasuporta ng bawat Housemates lalong lalo na ng big 4 at big winner.
Kasama sa di mahulugang karayom na iyon si Tin. Kaiba sa mga tagahanga at tagasuporta na andun, maswerte sya kasi kasama sya sa hilera ng upuan ng Pamilya Young. Although fan din sya, Young family treat her like a family member not because of her "status", but because of her loyal and full support to Slater. They consider her as a family friend.
Habang hinihintay ang paglabas ni Slater sa stage, di maipaliwanag ni Tin kung bakit ganun na lang ang kabog ng dibdib nya. Magkahalong kaba at excitement ang nangyayari sa kanya ng mga sandaling iyon, kasabay pa ang panlalamig ng kanyang mga kamay. Ganito ba talaga ang nararamdaman ng isang fan kapag makikita mo na ng personal ang iyong iniidolo?. Normal ba na ganito ang nangyayari sa mga ganitong sitwasyon?. Nagpalinga-linga si Tin sa paligid pero bakit ganun?, ang lahat ay kakikitaan mo ng saya sa mga mukha kabilang na ang pamilya ni Slater na nasa tabi nya, pero bakit ako ganito!?. Unfair! ba't masyado ko yatang binibigyang atensyon ang aking emosyon?. Bakit ba masyado akong affected?!..tanong ni Tin sa sarili.