18 ONE HELLO ☻♥☻

317 5 0
                                    

"Pero after this thing, planuhin na natin ang pagpunta natin ng Cebu ha, at saka C yung pagpa-plano ng resthouse, kaw ng bahala" nakangiting baling niya kay Carlo at tumango naman ang dalawa bilang sagot.

At heto nga sila, nakikigulo at nakikisaya sa mga taong nasa harap ng PBB house na iyon. Hindi inaasahan ni Tin na mag-eenjoy nga siya sa experience nyang ito. Hanga saya sa mga taong nag-abala pa talagang pumunta dun para magpakita ng suporta kahit di naman nila kaano-ano ang mga nasa loob ng bahay. Natutuwa din siyang pagmasdan ang malalaking tarpaulins ng iba't ibang HM's na pinagkaabalahan at ginastusan ng mga fans.Nakilala nya din ang pamilya ng iba pang HM's na andun din para sumuporta. Andun sila sa tapat ng mga nagsisigawan na supporters ni Slater. In fairness, madami na ring tagahanga at tagasuporta ang lalaki. Nakilala nya sina Gwen at Sara mga solid supportes ni Slater na siya palang nag-o-organized ng fanbases ni lalaki online, at sila din ang contact person ng iba pang members.

Nawala na ang kaba ni Tin sa mga cameras sa paligid. Wala naman mag-aakala na isa siya sa mga nakikigulo sa crowd na iyon. Nakuha ang kanyang atensyon ng magbukas ang malaking projector na iyon sa harap nila. Kasabay ng sigawan at tilian ng mga tao ang pagfocus ng camera sa mga tao sa loob ng bahay na nakaupo at nakatayo sa may sofa.

Narinig ni Tin na nagsalita ang mga host ng programa, pero nakatuon ang kanyang pansin sa mga Hm's lalo na dun sa matangkad na lalaki na naka-suot ng yellow polo at nakatayo sa likod ng sofa.

Lalong pang lumakas ang sigawan at tilian kaya napalingon siya. Narinig nya lang sinabi ng host ang pangalang "Slater" kaya muli syang napalingon. Ganun na lang ang pagkagulat nya ng makita sa projector ang mukha ng naka-focus. "So, that guy is Slater.." bulong ni Tin sa sarili na ang tinutukoy ay ang kanina pa nya tinitingnan na naka-yellow polo na lalaki.

"That's Kuya Slater, Ate Tin.." narinig nyang sabi ni Stace sa kanya. Medyo malakas ang boses nito dahil patuloy pa rin ang sigawan ng mga tao sa likod nila. "Gwapo noh?" nakangiti pang sabi nito sa kanya. Mukhang may ibig sabihin ang ngiti nito pero di nya na pinansin.

Natapos ang program na iyon at di napalabas si Slater. In fact, sya pa ang nag-top sa botohan. Nagdecide na silang umuwi matapos magpasalamt sa mga supporters ni Slater. Nang nasa sasakyan na sila, nagsalita si Carlo.

"So, Tin, nakita mo na si SLate, what can you say 'bout him?' tanong ni Carlo.

Napakunot-noo naman siya ng bumaling dito. Si Carlo ang nagda-drive, siya sa tabi nito sa unahan at si Stace sa likod.

>>> ONE HELLO ☻♥☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon