"Oo nga Ate Tin, we are thankful na inimbita mo kami sa party na 'to.." sabi naman ni Stace.
"Actually Iha, kaya kami nagpasama kay Carlo dito sayo kasi gusto ka sana namin imbitahin sa amin sa Cebu. Baka di na tayo magkita bukas kasi alam naming ikaw ang maghahatid sa Daddy mo sa airport, kami naman maaga pupunta ng TV network kaya ngayon na namin ito sinabi sa'yo." sabi ni Mrs. Salome Young.
" Talaga po Tita!, Naku di ko po palalampasin yan! excited na po akong magpunta ng Cebu.." natutuwang sagot niya. Lalong natuwa si Tin ng may bigla siyang naalala. " Wait Tita, if I'm not mistaken, may plano si Daddy na magpatayo ng resthouse dito sa Pinas, wala pa nga lang kami idea kung saan maganda magpatayo, hmmm..ano kaya kung sa Cebu na lang tapos sina Tito at Carlo na lang din ang maghandle ng construction?.." nakangiting sabi niya.
"That's great!. Mas maganda nga sa Cebu, parang nasa Manila ka rin pero sariwa ang hangin. About the Construction, tell Tito don't worry about that, we can handle it." masayang sabi ni Carlo.
"What it is that you can handle Mr. Engineer?.." sabat ng isang boses buhat sa bumukas na pinto.
"Dad!" masayang salubong ni Tin sa kanyang ama sabay halik sa pisngi. "Dad, Tito and Tita invited me to their place in Cebu, sayang aalis ka na sana makakasama ka namin." pagbabalita ni Tin sa kanyang Daddy. Pagkadating ng mga Young kaninang umaga sa hotel, ipinakilala na niya ang mga ito sa kanyang Daddy. They talked a lot of things over lunch. Masaya at sobrang thankful ang Dad nya kay Carlo at sa pamilya Young for taking care of her and for treating her like a family member.
" And Dad, di ba we are planning to put up a resthouse here in the Philippines? why not in Cebu? para naman mas makapagbonding tayong lahat.." suggest pa niya.
" Where in Cebu? and sino naman ang mamamahala ng construction dun if ever?.." sagot naman ni Mr. Patrimonio.
"That's what I'm taking about a while ago Tito.." sabat naman ni Carlo. " YCC can handle the construction and Tin can supervised it while she's having a vacation there. About the place, well madami naman po dun mga land developers na pwede natin mapagtanungan kung san may ipinagbibiling lote." patuloy pa ni Carlo.
"Kumpadre, (A/N: o diba close na agad! hehe:)) kung lote lang ang problema, we can hand you one of our property. Matagal na naming nabili ang lupa pero di naman namin kelangan. Kailangan lang ng pera nung may-ari kaya napilitan kaming bilhin iyon. Magandang spot yun para sa itatayong resthouse. Medyo malayo nga lang sa City kasi nasa may burol yun." sagot ni Mr. John Young