Bago mag-lunch time, nakaharap at nakausap ni Tin ang mga executives ng hotel kasama na si Charm. Matapos ang mga welcome greetings, sinimulan na nya ang meeting. Sa totoo lang, wala naman masyadong mahalaga siyang sasabihin, gusto lang nya na ipaabot at batiin ang mga ito for the good job in handling AMORE PHILS. Ganun din ang taos-pusong pasasalamat na ipinaaabot ng kanyang ama. She also discuss the details of the expansion, but she clear to everyone that siya na ang bahala sa pagsu-supervise non. Pagkatapos ng mga seryosong pag-uusap, niyaya nya ang mga executives na sa kanya na sumabay ng lunch at nagpaunlak naman ang mga ito. Matapos ang kainan, nagbalikan na sa kanya-kanyang opisina ang mga ito.
Habang nagbabasa ng ilang dokumento sa loob ng kanyang opisina, naagaw ang kanyang atensyon ng may kumatok sa pinto.
"Ma'am andyan na po ang taga YCC.." imporma ng sekretarya ni Charm sa kanya.Pansamantalang hiniram nya muna ang sekretarya ni Charm para sa ilang mga dokumento na kailangan nya. "Hinihintay na po kayo sa conference room.." dagdag pa nito.
Matapos sabihin susunod na sya, iniwan na siya ng babae. Sumaglit lang siya sa CR para mag-retouch bago dumiretso sa conference room.
Isang matangkad at matipunong lalaki ang nabungaran nya pagpasok nya ng kwartong iyon. Lalaking nagtataglay ng magandang ngiti at magandang katawan na halata sa semi-formal look nito. Aminado siyang nakuha nito ang atensyon nya.
"Good afternoon Ma'am. I'm Engr. Carlo Romero, from YCC. I was sent here by our company to discuss some things about the hotel expansion." mahabang panimula nito habang inilalahad ang kamay sa kanya. YCC won the bidding kaya sila ang nakakuha ng contract about the expansion.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Good afternoon Engr. I'm Anna Christine Patrimonio, I'm the one who called this meeting. I want to start this expansion sana as soon as possible.." sabi naman niya.
Pagkatapos ng pagpapakilala, they go down to business. Nagustuhan naman niya ang presentation nito. Nalaman din nya na hindi naman talaga ito ang gumawa ng plano. Isang SLATER YOUNG daw ang nag-construct ng presentation, anak ng may-ari ng kompanya at bestfriend ni Engr. Carlo. He can't make it daw kasi sumali ito sa isang reality show kaya si Engr. Carlo na lang ang nag-present. Natawa at na-curious naman siya sa nalaman." Isang lisensyadong Engineer, sasali sa isang reality show? Siguro naghahanap lang yun ng thrill sa buhay" naisip ni Tin pero di na sya umimik.