Dumaan ang mga araw, linggo at ilang buwan, natapos ang paggawa sa idinagdag na ameneties ng hotel. Nagyong gabi, gaganapin ang malaking party para sa pormal na ipakita nito sa publiko at para na rin sa pagsalubong sa pagbisita ng may-ari ng hotel, si Mr. Alvin Patrimonio. Isang malaki at magarbong pagdiriwang. Dinagsa ito ng mga pulitiko, socialites at mga taga-media. Everyone wants to see and have a word to the owner of the famous and most luxury hotel in the Phils. Lumipad ang kanyang ama papunta ng Pilipinas para siya ang humarap sa mga tao at magpasalamat sa mga tumulong sa pagsasaayos ng hotel. Walang kaalam-alam ang mga tao na ang kaisa-isang anak na dalaga ng may-ari ay ilang buwan ng nagpapagala-gala sa Pilipinas partikular na sa Maynila.
Mula sa kanyang kinaroroonang lugar, tanaw niya sa glass wall ang nangyayari sa ibaba. Kita niya kung paano magkislapan ang lente ng mga camera ng reporter and photographers, kung paanong di magkamayaw ang mga kilalang tao sa pakikipagkamay sa kanyang Daddy at kung paano mag-enjoy ang mga tao ng magsimula na ang party. Di mapigilan ni Tin ang mapangiti sa nakikitang paggalang at pagrespeto ng mga tao sa kanyang ama.
Maya-maya pa bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Iniluwa niyon si Carlo kasama ang mag-asawang Young at si Stace.
"As always, Ms. Patrimonio is hiding from all her fans.." nang-aasar na sabi ni Carlo habang ini-aabot sa kanya ang baso ng wine. Alam ng mga ito lalo na ni Carlo ang sitwasyon nya kung bakit di sya nakiki-party sa labas. " Congrats to us Tin! for the job well done!.." sabi pa nito.
"Thank you!..Congrats!.." sabi naman niya sabay inom ng alak. Nakangiti siyang bumaling sa tatlo pang kasama nito. "Thank you Tita, Tito and Stace for coming. Sana po nag-enjoy kayo.." sabi niya sa pamilya Young. Napalapit na rin siya sa pamilya Young simula ng mag-umpisa ang pagconstruct ng hotel. Young Family is well-known and well-respect clan in Cebu. Sila ang may-ari ng pinakamalaking Construction Company sa Cebu na may branch din sa Manila. Ilang beses na niyang nakaharap ang mga ito, at simula noon nagkapalagayan na ng loob ang bawat isa.
"Kami nga ang dapat magpasalamat sa'yo Iha kasi kaw ang sumagot ng gastos namin at saka dito mo pa kami talaga pinatuloy ng libre sa hotel. Luluwas din sana kami kasi Slater need us. Kelangan nya ang aming suporta ngayon." sabi naman ni Mr. John Young.