"Okay pa naman yung acct. ko. Di pa sya diactivated . O sige, follow kita para maipakilala din kita sa mga pinsan ko. Kaw din Carlo ha! , pero do not tag me on your tweets,just pure DM okay?. Be careful. " bilin pa niya.
Tumango naman ang dalawa. Napatawa pa siya sa itsura ni Stace. Ang saya-saya nito na parang napakalaking bagay ang ginawa niya. Nagmamadali na itong pumasok sa kwarto para kuhanin ang laptop nito.
"Balik tayo dito C, sa palagay mo ba di pa late itong plano ko. You see, two months na lang at tapos na ang PBB, so, abot pa kaya ito?..' tanong niya sa lalaki.
"Better late than never di ba. Let's try first, malay mo makatulong pa din ito para makakuha ng dagdag suporta si Slate. At saka di naman natatapos sa paglabas nya ng PBB yung career nya, for sure mas marami pang exciting na mangyayari paglabas nya at yun ang magiging papel ng acct. na ito. We can give them the insights and fresh news about him kasi mas malapit na si Slate sa 'tin." nakangiting paliwanag ni Carlo.
" Yeah, I agree. Okay let's try this firstr. Sana mag-work at makatulong nga ito.." sabi na lang niya.
"For sure, but first, you need to be on hand. Syempre kailangan mong palaging mag-update at saka manood ng PBB through LS and every episodes para makapag-post ka ng madalas.
" Okay, No problem about that, kayang-kaya nating tatlo 'to. Basta tulungan nyo din akong mag-update nito." sagot niya.
"Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala dito sa plano mong ito. Sinong mag-aakala na ang isang most wanted personality ay malayang nakakapagliwaliw sa Pilipinas at nagtatago sa anino ng isang fan account! grabe ka! mas effort itong ginagawa mo.."iiling-iling na sabi pa ni Carlo.
"Do I smell romance here?, aminin mo, nagkagusto ka kay Slate nung mapanood mo sya ano?.." nakangiting tanong ng lalaki.
"What!..what are yo talking about? I just want to help and it's my way of doing it. Kung ano-ano na namang kalokohan ang naiisip mo C..tsk!!..tsk.." naiiling din na sabi nya.
"okay!..okay, relax. Nagbibiro lang ako, masyado ka namang defensive." patuloy pang pang-aasar nito. Inirapan nya lang ang lalaki para matigil na sa mga pinagsasabi. "Kuhanin ko lang din ang laptop ko para mai-promote na si "Forever Young". Sasabihan ko na rin sina Gwen at Sara about this." sabi pa ni Carlo sabay punta sa kwarto nito.