Nagpatuloy ang kwentuhan at inuman nila. After a while, bumalik na din si Stace at lalo pang naging masaya at magulo ang usapan. Napunta sa kanya ang topic, tapos kay Stace, pero ang masa masaya, ng pagkaisahan na nilang dalawa si Carlo. Masasayang tawanan ang maririnig sa kinaroroonan nila. Ito ang pangarap ni Tin, ang maging malaya, masaya, walang nakabuntot sa bawat galaw nya, ito ang gusto nya, ang maging normal ang buhay nya.
Hanggang sa napunta ang usapan kay Slater. Carlo and Stace talks about their plan. She didn't bother to join in the conversation b'coz she's nothing to do with it. Nakikinig lang sya sa usapan ng dalawa, until Carlo ask her.
" Do you wanna come with us tomorrow night?" tanong ni Carlo na sa kanya nakatingin.
" Who? me!?" ano namang gagawin ko dun?" gulat na tanong ni Tin.
"Wala lang. Baka naman gusto mo lang kami samahan. Maka-experience ka naman ng kakaiba, di ba sabi mo nga, you want to try new things, you want to enjoy every moment, so, why not try this, for sure mag-eenjoy ka.." sabi ni Carlo.
"Ano namang kaibahan dun?, yun nga ang iniiwasan ko, ang ma-expose sa media, eh di ba live yun na ipinalalabas sa TV, pano kung may makakilala sa'kin?" tanggi pa niya.
"Di ka naman siguro makikilala kaagad Ate, at saka naka-focus sa mga host at sa mga fans ung camera, bihira lang sa mga kamag-anak ng HM's, kung makita ka man, dadaanan ka lang ng camera. At saka ,tama naman si Kuya Carlo, mag-eenjoy ka dun, Makakakilala ka ng mga taong sobrang babait, todo ang support kahit di mo kakilala, lalo na ung mga taga suporta ni Kuya Slater." pangungumbinsi pa ni Stace.
"Right Tin!, at saka matutuwa sina Tita kapag nalaman na sumama ka para suportahan si Slate, paglabas nya siguradong magiging good friend mo din sya." dagdag pa ni Carlo.
"Okay, give up na ako. Pagbibigyan ko kayo kasi ayaw ko namang magmukhang KJ, at saka curious din ako sa Kuya mo Stace, licensed engineer na pero bakit napasali pa sa mga ganyan.." nakakunot niyang tanong.
"Sa totoo lang Ate, ayaw din naman ni mommy 'to, kaso mapilit si Kuya, he needs a break and a time daw for himself, so ito yung nakita nyang pagkakataon para dun, Sa loob ng bahay, walang komunikasyon sa labas,limited lang yung tao na mkikita mo, at saka mas mabibigyan ka ng time para mag-isip at makilala ang sarili, that's why he joined." paliwanag nio Stace.
"Ah okay, pero after this, what? magiging public figure na din sya, may susuporta pero meron ding huhusga. That what's the consequences he has to face." sabi naman niya. "Pero teka, bakit ba ako ang namomroblema nito para sa kanya, sabi mo nyo nga, ginusto nya 'to di ba.." iiling-iling pang sabi nya.