Samantala, tapos na ang awarding kay Slater. Andun na siya sa backstage kasama ang kanyang ina at ama at si Stace na masyang sumalubong sa kanya. Hanggang ngayon ay di pa rin sya makapaniwala na siya ang magiging big winner.Sobrang saya niya habang yaka-yakap ang ina. Napawi lahat ng lungkot at pangamba sa matagal nyang pagkawalay sa mga mahal sa buhay ng makita ang suporta ng mga tao at ng kanyang buong pamilya at kaibigan. Pero mas masarap marinig ang pagbati mula sa kanya mismong mga magulang ng sinalubong sya ng mga ito sa stage kanina lang.
"Congratulations anak, we are very proud of you.." naiiyak na salubong ng kanyang ina habang niyayakap sya ng mahigpit.
"I'm a proud father son! congratulations, you deserve all this.." sabi naman ng kanyang Daddy na mahigpit din siyang niyaka.
Di naman niya napigilang mangilid ang luha sa mga narinig. "Thank you Mom, Dad. I really miss you.." sagot naman niya.
Nakayakap pa rin siya sa kanyang kapatid ng may tumapik sa balikat nya.
"Congrats Pare. You amade it. You are now the Big Winner.." sabi ni Carlo, his bestfriend, sabay kamay sa kanya.
"Thanks Pare. Thanks sa lahat at sa suporta.." sabi naman nya na habang mahigpit na nakikipagkamay dito.
"iho, where's Tin?, ba'y di mo sya kasama?" biglang tanong ni mr. John Young.
"Oo nga kuya Carlo,asan si ate Tin?, akala ko ba excited syang ma-meet si Kuya?"tanong din ni Stace.
"Tito, she said...di na natapos ni Carlo ang sasabihin dahil sumabat si Slater.
"Wait, who's Tin? don't tell me pare na may bago ka na namang biktima. Six months lang akong nawala may bago na nman. If i'm not mistaken, di nman Tin ang name ng gf mo bago ako pumasok sa PBB.." dabi pa ni Slater.
"Loko! di ko sya girlfriend. Tin is..
"Slater, tawag ka sa stage, picture with the HM"s.."agaw atensyon ng isang staff, dahilan para di maituloy ni Carlo ang kanyang kwento.
"Okay! I'm coming.., sorry guys, maiwan ko muna kayo. Thanks ulit. See u later.." sabi ni Slater habang papunta ng stage.
Tumango lang ang mga naiwan nya dun sa backstage.