Malalim na ang gabi pero di pa rin makatulog si Tin. Ibinagsak ang katawan sa kama at nakatitig lang sa ceiling ng kwarto niya. Magkahalong emosyon ang namamayani sa kanya ngayon. Masay, malungkot at naguguluhan, yan ang mga nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Masaya siya sa tagumpay ni Slater. Feeling nya, tagumpay din niya at ng kapwa nya supporters ang nakamit nito. All their efforts pays off. Pero sa kabila ng lahat, di nya maiwasang malungkot. Paano na ngayon?. Ano na ang mga manyayari?.Isipin pa lang nya na di na niya makikita si Slateraraw-araw, oras-oras, mayroon ng parang mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Alam nila, lalo na niya na makikita pa rin naman nila si Slater, in fact, personal pa nga, pero syempre iba pa rin, di na katulad ng dati na kahit sa t.v, anumang oras pwede.
"Ano bang nangyayari sa akin?. Ano 'tong nararamdaman ko?. Posible kayang tama sila sa kanilang mga sinasabi na nahuhulog na ang loob ko kay Slater?, na hindi lang simpleng pag-iidolo ang nararamdaman ko para sa kanya?. Pero, HINDI!, imposible yun!".. patuloy pang tanggi ni Tin habang kinakausap ang sarili.
Humahanga lang siya sa paninindigan at prinsipyo nito. Nagustuhan lang niya ang pagiging matalino at the same time pagkakaroon nito ng sense of humor. At saka sige na nga, naakit din siya sa kagwapuhan nito ng unang makita sa screen ng t.v.
Pero ang MA-INLOVE?, malayong mangyari yun. Marami na siyang nakilalang mga gwapo, mayayaman at bigating tao, marami rin siyang manliligaw na may mga sinasabi sa buhay, pero hindi pa talaga niya maramdaman ang ma-inlove.
"Kung ganun, ano yang nararamdaman mo?.." tanong ng isip ni Tin. "Bakit dahil sa isang Slater Young, nagkakaganito ka?. In denial teh!?.." patuloy pang sundot ng isip nya.