14 ONE HELLO ☻♥☻

377 5 0
                                    

" Yan, all is set na. What do you think Dad?" baling ni Tin sa kanyang ama habang nakangiti.

"Mukhang okay naman nga yang plano mong yan. Pero katatapos pa lang ng trabaho mo Baby, may new business ka na naman, pano ang bakasyon mo?" tanong ng ama.

"Don't worry about that Dad. Makakapag-enjoy naman ako habang ginagawa yung resthouse. In fact, mas maraming bonding moments na ako kina Carlo and Stace kapag nagsimula iyon at saka mas marami akong time with you Tita kapag andun na ako sa Cebu. Matitikman ko na ang mga specialty mo.." nakangiting sabi ni Tin sa mga kasama nya.

"Wow! looking forward to that..and Iha sa ayaw at sa gusto mo, sa amin ka tutuloy. Huwag ka ng mag-abala pang humanap ng matutuluyan dun, kung hindi magtatampo ako sa'yo.." sabi naman ni Mrs. Young.

"hay naku Ate, magagalit talaga ako sa'yo kapag di ka sa'min nag-stay. Hindi kita ito-tour sa Cebu.." nagbibirong sagot naman ni Stace.

" Bakit may sinabi ba akong sa iba ako makikitira. Kahit di nyo ako imbitahin sa inyo, makikisiksik talaga ako.." natatawa naman niyang sabi.

Nagkatawanan lahat sila. Pagkatapos ng mga pag-uusap at ilan pang kwentuhan, nagpaalam na ang kanyang Daddy na magpapahinga. Kelangan nitong matulog ng maaga dahil may-flight pa ito kinabukasan. Di na ito nagpahatid sa kanya dahil bababa pa ito para magpaalam sa mga tao dun sa party. Kasunod na din nitong umalis ang mag-asawang Young na inihatid ni Stace sa suit ng mga ito.

Naiwan naman sila ni Carlo na masayang nagku-kwentuhan habang paunti-unting umiinom.

>>> ONE HELLO ☻♥☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon