15 ONE HELLO ☻♥☻

310 4 0
                                    

"Pa'no ba yan, makikisiksik pa rin kami ni Stace dito kasi kailangan ni Slater ng support ngayon. Pupunta lang sina Tito and Tita sa TV station tomorrow morning para i-check kung okay si Slater sa loob, pero kami ni Stace ang maiiwan para pumunta dun bukas ng gabi." mahabang paliwanag ni Carlo. Ang pagkakaalam nya sa kwento ni Carlo,nominated si Slater this week at may chance itong mapalabas ng PBB house kapag konti ang nakuhang votes.

"Ano ka ba!, okay lang yun noh!. At saka sinong may sabi na nakikisiksik kayo dito, ang laki-laki nitong penthouse,kahit ilan pa tayo dito okay lang." nakangiti niyang sabi.

Sa Penthouse na niya pinatuloy sina Carlo at Stace para naman may ka-bonding siya. She became close to them, specially kay Carlo na ngayon ay BBF (boy best-friend)na nya. Simula ng maging mag-partner nila sa expansion, naging malapit sila sa isat-isa. Lagi silang magkasama mamasyal, gumimik, at nasasabi nya lahat dito ang kanyang problema. Carlo plays the role of an older brother that she wished she had. Alam nya din ang lahat ng tungkol dito partikular na ang pagiging chickboy nito.At dahil din kay Carlo kaya nya nakilala at naging close friend si Stace.

"C, alam mo bang crush kita," sabi niya kay Carlo na bigla namang nasamid pagkarinig sa kanya. "Crush kita pero you're not my type!" dagdag pa niya.

Naguguluhan namang napatingin ito sa kanya habang pinupunasan ang labi.

"Meron ba nun?, at saka anong ibig mong sabihin na crush mo ako pero di mo ako type? ang gulo mo!" sabi nito. At kelan pa nagsimula yang crush mo na yan sa'kin?, ikaw ha!" natatawa pang dugtong nito.

>>> ONE HELLO ☻♥☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon