3 ONE HELLO ☻♥☻

412 4 0
                                    

Naputol ang pagmumuni-muni ni Tin ng muling ianunsyo ng host ang paglabas ni Slater.

Napako ang mata niya sa stage habang unti-unting lumilitaw ang bulto ng lalaki. Kasaby ng muling hiyawan at palakpakan ay ang pagtama ng spotlight sa mukha ni Slater. Halatang nagulat ito sa sobrang dami ng tao at sa patuloy na pagsabog ng fireworks sa kalangitan na sumalubong sa kanya.

Lalong nagwala ang tibok ng puso ni Tin ng masilayan ng harapan si Slater. Andun kasi sya sa bandang unahan ng stage kasama ang pamilya Young na ngayon ay nagsipagtayuan habang pumapalakpak. Parang walang naririnig at nakikita si Tin sa paligid ng mga sandaling iyon. Naging slow-mo ang lahat para kay Tin habang titig na titig kay Slater..feeling nya sila lang ang tao sa paligid ng mga sandaling yun.

"Hoy! tawag sa kanya ni Carlo na nagpabalik ng diwa nya sa kasalukuyang nangyayari. "Mukhang wala ka sa sarili mo ah..nakita mo lang si Slater.." panunudyo pa nito.

Inirapan nya ito. "Di lang kita narinig.."pasigaw nyang sagot. "ang ingay kaya!..at saka bakit ba?.." napapahiya nyang sabi.

"Pasensya na po sa istorbo, pero kasi itatanong ko lang po kung gusto mong sumama sa akin dun sa backstage para salubungin si Slater. You see, andun na si Stace, si Tito and tita naman andun sa stage, so tayo na lang dalawa ang naiwan dito.." sabi pa ni Carlo.

Ganun na ba kalalim ang itinakbo ng isip ko at di ko na namalayan ang mga nangyari?.Nakakahiya kay Carlo..sabi pa ni Tin sa isip nya.

>>> ONE HELLO ☻♥☻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon