Naagaw ang atensyon ng lahat ng sumabog sa kalangitan ang iba't-ibang klase at kulay ng fireworks na inihanda bilang pagsalubong sa nanalong big winner.
Napangiti si Tin habang pinapanood ang patuloy na pag-ilaw ng kalangitan. Everyone thinks that it was PBB who do that, but the fact is, it was her and other Slater fans and friends who do the effort. Kinausap niya sina Gwen and Sara ( two of her friends and admins of Slater fanbases) and Engr. Carlo ( Slater's bestfriend and now became his boy bestfriend/crush) pati na rin ang pamilya Young at ang handler/manager ni Slater na si Ms. Caress para sa plano niyang iyon.Napatawa at napailing pa nga siya ng maalala ang sinabi ni Engr. Carlo bago nila gawin ang lahat ng iyon.
"Are you sure we gonna do this?!.." namamanghang tanong ni Carlo ng sabihin nya ang plano about the fireworks thing.
"Yup! i know Slater will win. I can feel it.., so let's welcome him with fireworks para mas masya.." nakangiti naman niyang sagot.
Napailing na napatingin si Carlo sa kanya at sa mga taong kasama nila na sina Gwen, Sara, Ms. Caress, Tita Salome and Tito John kasama si Stace.
"What!?.."di nya napigilang itanong kay Carlo. She felt awkward in a moment.
"Mukhang iba na talaga ang tama mo kay Slater, Tin. For you to do this!.." namimilosopong sabi pa ni Carlo.
"He..he..he.. u'r so funny.." pairap na sagot niya kay Carlo. "hayan ka na naman C sa mga banat mo. It's just a simple thing, I'm a fan and I'm happy for him, we are all happy for him..as simple as that.." mahabang paliwanag nya dito.
"Okay sabi mo eh.." natatawa pang dagdag ni Carlo na alam nyang di pa rin kumbinsido sa paliwanag nya.
"Hay naku C, tigil-tigilan mo ako dyan sa mga hirit mo. Nakakahiya kila Tita, at saka this is not my effort all along, kasama ko kayo, sila Gwen and Sara kaya stop and remove that smirk on your face. I don't like it.."pairap nyang sabi.
"Tama si tin iho, don't put her on a hotseat. She looks uncomfortable.." nakangiti namang sansala ni Mrs. Salome Young.
"Okay, okay, I give up. Sorry for that Tin.." sabi ni Carlo habang pinipisil sya sa pisngi. "Nagpapa-cute lang ako sa'yo.."dagdag pa nito na naging dahilan para magkatawanan ang mga naroroon.
"Pwes, di nag-e-effect sa'kin yang pagpapa-cute mo. Engr. ka hindi ka si Madam auring kaya tigilan mo ako ha.." napatawang sabi nya.
"Hay naku guys, kung di pa namin kayo kilala, iisipin namin na mag-bf-gf kayo sa sobrang pagkukulitan nyo.." sagot naman ni Gwen na nakangiting nakamasid sa kanila.
"Oo nga, ano kaya kung gawan namin kayo ng loveteam, ikakalat namin sa mga social networking sites, tyak papatok kayo.." sang-ayon naman ni Sara.
"I like your idea Sara.." pakikisakay pa ni Carlo sabay kindat sa dalawa.
"Tse! magsitigil nga kayong dalawa, asikasuhin nyo na lang ang mga accounts nyo dahil tiyak na magiging busy tayo sa pag-uupdate ng activities ni Slater pagkalabas nya. At ikaw naman, baling niya kay Carlo, nakisakay ka pa sa dalawang 'to...,kung di ko pa alam ang likaw niyang bituka mo, siguro nga nabiktima mo rin ako at nagsasayang na ako ng luha ngayon sa mga kalokohan mo.."
"Ouch! naman Tin, ang sakit naman nun.Ganun na ba ako kasama sa paningin mo?.."madramang tanong ni Carlo na halata namang di nasasaktan sa sinabi nya. Sanay na silang dalawa sa mga ganitong biruan.They know each other that well.
"O awat na. Baka kung saan pa mapunta yang usapan nyo.." sabat ni Ms. Caress. "Carlo gawin mo na lang yung gusto ng mga ito. Mukhang magandang ideya nga yun.."nakangiting utos ni Ms. Caress.