"Opinion ko!?, bakit naman?, ano naman ang silbi ng sasabihin ko about him?.." nagtatakang tanong niya.
"Wala lang, I just want to know your fearless forecast, kung sa tingin mo ba may chance siyang manalo dun." sabi pa ni Carlo.
"Well, sa tingin ko naman, marami na syang tagasuporta, matanda, bata, at lalo na ang mga teenagers. Malakas siya sa tao dahil may itsura naman siya. Hanggang dun lang kaya kong sabihin 'bout sa kanya kasi di ko naman sya personal na kakilala at first time ko lang din sya napanood at nakita. Pero kung ang pagbabasehan ay ang mga fans, malaki ang chance nya." paliwanag naman niya.
Tumango lang si Carlo, samantalang si Stace tulog na sa likod.
Habang nasa byahe sila, may nabuong plano si Tin. Gusto nyang tulungan ang mga fans ni Slater sa pagsuporta, gusto nyang makiisa sa effort na binibigay nina Carlo at Stace towards Slater at gusto nyang maipakita sa mag-asawa Young ang kanyang suporta.