" Sabagay malaking tulong nga iyan, mababawasan ang mga pumapasok na mentions sa PA ko.." sabi ni Carlo. Pero teka, kelan ka pa nagkahilig sa mga social networking na iyan, ni minsan di kita nakita na nagsurf sa internet pwera na lang kapag magche-check ka ng mga e-mails mo at business related topics.: tanong ni Carlo
"Kagabi ko lang ginawa 'to, matapos kung makita yung effort ng mga tao, yung support nila, yung pagti-tyaga at sacrifices nyong dalawa at saka yung effort at pagmamahal nina Tito and Tita. Feeling ko, unfair naman kong wala akong gagawin. Gusto ko ding makatulong kaya naisipan kong gumawa nito." seryosong sabi niya.
"Dapat bago mo pinagkaabalahan itong gawin, gumawa ka muna ng PA mo para naman mabuhay din ang social life mo.." nakangising sabi ni Carlo sa kanya. Alam nyang inaasar na naman siya nito.
"Weeh! sino naman maysabing wala akong social life aber. " nakairap nyang sagot dito. " May sariling acct ako sa twitter, di nga lang alam ng iba kasi naka-private yun at saka mga family and closest friends ko lang ang nakakaalam at naka-follow dun. Minsan lang ako mag-open kasi DM lang din naman ang madalas kong gawin dun. Minsan lang ako nakapag-post ng tweet dun. Nakiuso lang ako dati pero simula nung maging ganito yung sitwasyon ko at makilala yung pamilya ko, itinigil ko na. " mahabang sabi niya.
"Talaga Ate! may twitter ka, as in Anna Christine Patrimonio yung nakapangalan?, siguro ang dami mo ng pending request. Follow mo naman ako tapos follow din kita para naman may follower akong sikat sikat na tao sa Amerika.." excited na sabi ni Stace.
"Hay naku Stace, umiral na naman ang pagka-twitter addict mo. Di ba nga sabi ni Tin, naka-private yun, at saka di na nya ginagamit, so wala ka ng pag-asa.." pang-aasar pa ni Carlo.