020 - Special Chapter

413 20 2
                                    

Masipag ako ngayong araw ih. Birthday ni Bebeboi eh.

-------------------

Inaayos ni Jihoon ang higaan ni Seungcheol habang wala si Jisoo sa kwarto nila. Alam niya kasing magse-selos ito.

Bakit ko ba ginagawa to? Sabi ni Jihoon sa isip niya

Nang matapos ni Jihoon ayusin ang higaan ni Seungcheol, nilapitan niya na ito na nasa lapag.

Sa lapag na kasi natulog si Cheol dahil sa sobrang pagka-lasing

"Hoy! Hyung! Seungcheol! Choi! Bumangon ka jan! Lumipat ka na sa kama mo" sabi ni Jihoon habang inaangat si Cheol.

"Hmm" sagot lang ni Seungcheol.

"Tumayo ka nga! Ano? Tatayo ka o tatayo ka?!" sigaw ni Jihoon habang hinahampas hampas si Seungcheol.

"Jihoonie, marinig ko lang *hik* boses *hik* mo. T-tumatayo na to *hik* ng kusa" sabi ni Seungcheol na mahahalata mo ang pagkalasing.

"Bastos ka, gago"

Tumayo na si Seungcheol pero medyo gumagewang gewang ito kaya inalalayan siya ni Jihoon.

"Lakas ng loob mag-inom. Nalalasing naman" sabi ni Jihoon habang tinutulungan si Seungcheol humiga..

Nang maka-higa na ng maayos si Seungcheol. Kinumutan na ito ni Jihoon.

Aalis na sana si Jihoon ng bigla siyang hawakan ni Seungcheol sa braso at hinatak ito pahiga sa kama.

Pumaibabaw si Seungcheol kay Jihoon at nagsalita si Seungcheol. "J-jihoon. Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Mahina na ang puso ko oh. Hindi ka ba naaaawa sakanya?" Nangingilid ang luha sa mata ni Seungcheol.

Umayos ng higa si Seungcheol ng matapos siyang magsalita. Nanatiling naka-tulala si Jihoon ng umalis si Cheol sa ibabaw niya.

Aalis na sana si Jihoon ng bumalik siya sa katinuan pero bigla niyang marinig ang mga hikbi ni Seungcheol.

"J-jihoon. Bakit? B-bakit ikaw pa minahal ko? Bakit h-hindi ko magawang m-mag mahal ng iba. Sa loob ng w-walong taon Jihoon. Bakit ikaw lang m-minahal ko?" Salita ni Cheol habang nakapikit ang mata. Tulog kasi talaga siya.

Walong taon? isip ni Jihoon.

"Seungcheol...." sabi ni Jihoon habang pa-upo sa kama ni Seungcheol.

Inayos ni Jihoon ang mga buhok na naka-harang sa mukha ni Seungcheol. Nagulat si Jihoon ng biglang dumilat si Seungcheol at deretsong nakatingin sakanya.

Biglang tumayo si Seungcheol sa pagkakahiga at humarap kay Jihoon.

"Jihoonie, my precious Jihoonie." sabi ni Seungcheol habang hinahaplos ang pisngi ni Jihoon.

"C-cheol..."

"Jihoon..." Sabi ni Seungcheol habang lumalapit sa mukha ni Jihoon.

Lumapit ng lumapit si Seungcheol sa mukha ni Jihoon at hinalikan ito.

Simpleng halik lang ang ginawa ni Seungcheol sa simula pero naramdaman ni Jihoon na gumagalaw na ang mga labi nito.

Fuccboi • JiCheolWhere stories live. Discover now