032

348 15 1
                                    

Nagising si Jihoon sa biglang pag bukas ng pinto. At maingay na sigaw.

"Jihoooon! Jihoonieee. Anong nangyare sayo?! Huhuhuhu" sigaw sigaw ni Seungcheol pag pasok sa kwarto.

"Ang ingay" tanging nasabi lang ni Jihoon.

"Chan! Anong nangyare kay jihoon! Answer meeeeeee" pag baling naman ni Seungcheol ng attention kay Dino.

Natawa naman si Chan kasi parang tanga si Seungcheol. "Hyung kalma. Hindi naman malala ang nangyare kay Jihoon hyung. Kasi kanina habang patawid ako hindi ko napansin na may sasakyan pala. Buti nalang nandon si Jihoon hyung at naligtas ako. Kayalang nabagsak yung ulo niya sa bato kaya ayon!" paliwanag ni Chan.

"Kahit naaaa! Jihoonieee. Huhuhuhuhu"

"Napaka-isip bata..." bulong ni Jihoon na narinig naman ni Seungcheol.

"Masama ba mag alala Jihoon?" biglang pag seryoso naman ni Seungcheol.

Hindi siya sinagot ni Jihoon pero nakaramdam ng kaba si Jihoon...

"Masama bang nagaalala ako sayo ng sobra? Masama ba na gusto ko laging safe ka? Masama ba ipakita ang pag mamahal ko sayo?" nakatayo na sabi ni Seungcheol kaya medyo nakatingala si Jihoon.

"H-hindi naman sa ganon.."

"Labas na po muna ako hyung. Tawagan ko lang din si Hoshi" sabi ni Chan.

"Hindi naman masama na magalala ka.. ano..." sabi ni Jihoon.

"Ano--" hindi natuloy ni Seungcheol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Jisoo.

"Hoons, are you okay? What happened?" nagaalalang tanong ni Jisoo habang nakahawak sa ulo ni Jihoon. Bigla naman pumasok si Jeonghan kaya napalayo si Jisoo.

"Jihoon! Okay ka lang ba? Dumiretso agad kami ni Jisoo ng mabalitaan namin na na-hospital ka" sabi ni Jeonghan pag pasok.

Hindi na maintindihan ni Seungcheol ang nangyayare. Bakit magkasama si Jisoo at Jeonghan? Bakit parang hindi manlang gaanong nagalala si Jisoo? Bakit parang normal lang ang nangyayare?

Lumapit si Seungcheol sa bestfriend niya. "Han. Pwede ba tayong magusap?" um-Oo naman si Jeonghan at nagpaalam kay Jisoo at lumabas na.


--------------
Mema pt. 1

Fuccboi • JiCheolWhere stories live. Discover now