Hi guys! Yung sinabi ko sa chapter 23, importanteng mahalaga yon. Like niyo ah. Tsaka follow. Pak! HAHAHAHAHA. Auq na nga. Game na.
-----------------
Nagliligpit na kami ng gamit kasi uuwi na kami sa Seoul. After ne'to hiwa-hiwalay nanaman kami. For sure magiging busy nanaman. Lalo na ngayon may thesis. Bakit naman kasi na-imbento pa ang thesis!!
Naging masaya naman ang shortcation naming magbabarkada. Tawanan, kantyawan, sayawan, tugtugan, kantahan, kainan (ng pagkain), at inuman.
Sobrang na-miss ko ang barkada. Pakiramdam ko nawala ako sa hawla, pansamantala.
"Jihoon, you're spacing out" sabi ng katabi ko sa bench na inuupuan ko. Si Wonwoo.
Sa Van parin ako nila Seungcheol hyung sasakay pero sa likod na. Naiinis ako. Naguguluhan ako. Nalilito na ako. Kainis kasi si Seungcheol!
"Uh. May iniisip lang, hyung. M-may sinasabi ka ba?" sagot ko kay Wonwoo hyung.
"Tinatanong kita kung anong nangyare."
"Nangyare saan?" hindi ko siya maintindihan?
"Nangyare sainyo ni Seungcheol hyung" sabi niya habang nakatingin kay Seungcheol at Mingyu na naguusap sa malapit sa sasakyan.
"W-what do you mean?"
"Nag-away ba kayo? Kasi bakit ka sa likod pu-pwesto?"
Ah. Okay. Kala ko... "Hindi naman hyung. Ayoko lang sa harap." sagot ko naman.
"Ji, magka-aminan nga tayo. Gusto mo ba si Seungcheol hyung?" seryoso niyang sabi
"Wonwoo hyung! Seryoso ka ba sa tanong mo? Ha-ha-ha" Pilit na tawa kong sabi. "Alam mo, Woo hyung. May boyfriend na ako. At m-mahal ko si Jisoo" bat ako nautal?
"Mahal ka ba?!" nagulat kami pareho ni Wonwoo hyung ng biglang sumingit si Mingyu.
"O-oo naman. Siguro" bakit ba ako nauutal?!
"Pero nauutal!" bigla nanaman may sumingit. Seungkwan..
"Tumigil nga kayo!" pag-sigaw ko sakanila.
"Jihoonie~ Kay Seungcheol hyeong ka nalang kashiiii~" at may sumingit nanaman na walang mata. Hoshi.
Bigla kong kinuha ang gitarang katabi ko. "Aalis kayo sa harap ko o masa-sample'an kayo ng gitara ko". Bigla naman silang nag-takbuhan. Si Wonwoo hyung nalang ulit ang kasama ko dito.
"Ji, seryoso." biglang pag lalim lalo ng boses ni Wonwoo.
"Hyung naman." ayoko na sumagot talaga. Kasi kahit ako naguguluhan!
"Babe~ Ano pinaguusapan niyo? Ang seryoso niyo ah?" pagsingit nanaman but this time si Jisoo na ang sumingit. (pota! hilig ko sa mga sumisingit ah)
"A-ah. Wala. Kanina ka pa jan?" tanong ko sa lalakeng naka-back hug na sakin ngayon.
"Hindi, ngayon lang" sabi niya.
"Jihoon, basta ano ah. Nandito lang ako" sabi ni wonwoo hyung bago umalis.
"Anong meron, lee jihoon?" humiwalay sa yakap si Jisoo at humarap sakin. Magkasalubong ang kilay. Teka, galit ba siya?
"Wala, soo." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Ji, wag ka na nga lumapit sa lahat ng tropa natin. Nagse-selos talaga ako. Sobra! Dati kay Seungcheol lang ako nagseselos ngayon pati kay Wonwoo na. Ji, alam ko naman na may Mingyu na siya pero iiiih!" para siyang batang inagawan ng candy.
"Baliw ka na" sabi ko at nagpipigil na tawa.
"AALIS NA TAYO! PUMASOK BA KAYO SA VAN!" sigaw ng isang lalakeng gums.
Nagtakbuhan na sila papunta sa Van. At ako, syempre. Sa likod pumwesto.
---------------
Hindi talaga ganito update ko eh. Maayos na talaga to pero pagcheck ko kanina biglang hindi pala nasave. Kaya ayon! Nakalimutan ko na. Kainis men.
YOU ARE READING
Fuccboi • JiCheol
Fanfiction"Ji! Dalaga ka na!" "Hyung! Anong feeling?" "I'm so proud of you, jihoonie"