028

329 23 17
                                    

------------

"Some things are better left forgotten"

------------

Seungcheol: Jihoon

Jihoon: Oh?

Seungcheol: Iniiwasan mo ba ako?

Jihoon: What? No

Seungcheol: Wag nga ako, Jihoon.

Seungcheol: Lapit ako ng lapit kanina pero layo ka ng layo. Nagdadahilan ka pa na may gagawin ka!

Jihoon: HINDI NGA AKO UMIIWAS!

Seungcheol: Stay there!

Jihoon: Why?

Seungcheol: Tangina! Jihoon! I said stay there! Wag kang umalis! Hindi ka pa ba lumalayo sa lagay na yan?!?!!!!

Jihoon: May gagawin ako.

Seungcheol: Anong gagawin mo?

Jihoon: Homework para sa next subj.

Seungcheol: Wag ako, Ji. Classmate kita sa next subj. At wala tayong homework don.

Jihoon: *seen*

Seungcheol: May sasabihin lang ako. Please?

Seungcheol: Jihoon?

Jihoon: Fine! Ano yon?

Seungcheol: Sa personal sana...

Jihoon: K

Seungcheol: Wag ka na lumapit sakin. Ako na lalapit sa'yo.

---------

"Oh ano?' sabi ni Jihoon kay Seungcheol

"A-ano kasi. Uh? Gusto ko lang sabihin na... ano... mami-miss kita. Haha" nauutal na sabi ni Seungcheol habang kumakamot pa sa batok kahit hindi naman nangangati.

"Yun na? Importante na yan? Cheol pwede ba? Wag mo na akong kausapin. Layuan mo na ako. Just... just act like nothing happened between us. Simula sa simula. Simula nung araw na nakuha mo ang first kiss ko, yung araw na nalagyan mo ako ng hickey, yung araw na halos inangkin mo na buong katawan ko! Cheol tama na! Lumayo ka na. Please?" mahabang sabi ni Jihoon habang naluluha na.

"Is that what you really want? Why? Because of Jisoo? Because of your fvcking boy friend?!" kalmado pero ramdam ang galit sa bawat salitang binibitawan ni Seungcheol.

"Y-yes. It's because of my b-boyfriend. J-jisoo" nauutal utal naman si Jihoon.

"Okay fine. Sabagay? Bakit ba ako umasa? Na porket nakuha ko ang mga first mo, mamahalin mo na rin ako. Bakit ba ako umasa na baka may chance tayo? Bakit ba ako umasa na kahit minsan, ako naman. Bakit ba ako umasa na hihiwalayan mo ang boyfriend mong hilaw para sakin? Haha" Seungcheol laughed bitterly. "That's what you want, Ji. Okay fine. Lalayo na ako. Gaano ba kalayo? Haha. Yung hindi mo na ba ako makikita? Yun bang mapapatingala ka nalang" pag dagdag pa ni Seungcheol sa sinabi niya.

Hindi na sumagot si Jihoon at unti unti na rin lumayo si Seungcheol. Nang tuluyan ng makaalis si Seungcheol. Biglang may nagsalita sa tabi ni Jihoon.

"Ji, bakit mo sinabi yon? Alam mo ba na halata sa mukha ni Seungcheol hyung na nasasaktan siya." sabi ni Wonwoo na lumabas mula sa likod ng puno. Kanina pa talaga siya nakikinig sa dalawa eh.

"Ayoko lang na masaktan pa siya, Hyung" seryosong sabi ni Jihoon at hindi pa rin nililingon si Wonwoo.

"Ji, tandaan mo. Nasa huli ang pagsisisi" sabi ni Wonwoo habang tinatapik ang balikat ni Jihoon at naglalakad na rin pa-alis. "Uh~ Isa pa pala. Ji, bakit mo sinabi na kayo pa ni Jisoo? Break na kayo diba?"

-----------

Fuccboi • JiCheolWhere stories live. Discover now