-Mahaba-habang owtor's nowt-
Pasensya na po kung SOOOOOOOOBRANG TAGAL ng update. Hindi na po ako magrarason ng kung ano-ano dahil hindi rason ang pagiging busy sa sobrang tagal ng update. Ang totoo kasi, parang nawalan ako ng gana na hindi ko alam. Hindi ko alam kung maganda pa ba ang nagagawa ko sa kwento ni Victor o kung ano. Oo, sinabi ko sa ilan na mag-a-update ako pero hind ko nagawa. Pasensya na po talaga. Hindi ko po gustong paasahin kayo nung sinabi ko iyon. Planu ko talagang mag update pero pakiramdam ko kasi hindi ko nabibigyan ng justice si Victor kaya nag-iisip ako ng mas maganda at effective na takbo ng kwento.
Uli, sorry po.
Hayaan nyu po at dadalasan ko na ang pag-a-update simula ngayon.
- Sa mga nahihintay ng update (kung andyan pa po kayo) , eto na po para sa inyo At bukas po, mayroon din update.-
SALAMAT PO!
++++++++++++++++
Sa gilid napapansin ko ang mga ibon na nagliliparan sa bintana ng kanyang silid kahit hindi naman nakatingin dahil nakatutok ako sa napakagwapong mukha niya na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha ko habang hawak hawak ang mga kamay ko na itinaas niya sa aking uluhan.
Naaamoy ko pa ang natural niyang amoy. At para akong nag-iinit habang naamoy ko siya. Ang bango ng prinsepe kahit hindi pa ito naliligo.
"Now tell me Martinii, do you want me to show it to you?" ulit niya sa tanong nang hindi ako nakaimik sa ginawa nya.
"S-s-show me what?" pagmamaang-maangan ko kahit na alam ko na ang ibig sabihin niya. Hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko.
He smirked.
Ang gwapo niya talaga.
Para naman akong nataohan sa naisip na siyang dahilan upang pamulahan ako ng mukha.
"My...my... You are blushing." Natatawa niyang saad saka tumayo.
Napakasarap sa tainga pakinggan ang tawa niya. Palagi ko naman syang naririnig na tumawa subalit iba ito kumpara noon.
Tinitigan niya ako sa mukha.
"Hindi ko akalaing ikaw mismo ang magboboluntaryong ibigay ang sarili mo sa akin."
"Ang kapal mo para maisip mo iyan."
"Bakit? Mali ba sa sinasabi ko? Kung nasa tamang isipan ka hindi ka pupunta sa loob ng silid ng isang lalaki." Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko saka nagpatuloy sa pagsasalita. "At ganito na nakadagan ako sa iyo."
Biglang-biglang dinilaan niya ang tainga ko na syang nahilan kaya napasigaw ako. Hindi sigaw na nagagalit o di kayay sigaw na nanghihingi nga tulong kundi sigaw sa gulat at kiliti na kasama sa pagdila niya na iyon.
Napatawa siya sa reaksyon ko.
"Huli. Nandiyan pala ang kiliti mo."
"A-ano ba..."
Unti-unti ay parang lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ko ngunit huminto rin saka umalis mula sa pagkakadagan sa akin at tumayo ng maayos. Akma din akong tatayo ngunit ng mapatingin ako sa kanya ay wala ng bahid ng emosyon ang mababasa sa mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/116341153-288-k131495.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (Completed)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.