CHAPTER 4

7.3K 208 3
                                    

Pilit niya pinapakita na kalmante lang siya pero gusto na niya sitahin ang Captain ng Sentinel Arm Force team. Kanina pa ito nakatitig sa kanya at naiirita na siya dun.

Bakit? Ngayon lang ba ito nakakita ng babae sa buhay nito? Saka marami na din babae sundalo. Tss,kung minamanyak nya ko sa isipan niya,hindi ako mangingimi na barilin siya!

Magkatapat sila nakaupo habang sakay sa helicopter na maghahatid sa kanila sa basilan.

Napukaw ang atensyon niya ng maramdaman ang bahagya pagsipa nito sa suot niya combat boots.

DahiL hindi sila magkakarinigan may inabot ito papel sa kanya. Napasulyap siya sa ilang kasama nila sa eroplano pero pawang mga nakapikit ang mga ito.

Inabot niya ang papel na binibigay nito sa kanya.

Hindi ka dapat nandito.

Malamig na tinapunan niya ito ng tingin pero matiim lang ito nakatitig sa kanya.

Kinuha niya ang sarili ballpen na nakasilid sa bulsa ng suot niya uniform.

Why? Wala ka bang tiwala sa team ko?

Taas kilay na nilahad niya rito ang papel at hindi inaalis ang mga mata nito sa kanya na inabot ang papel mula sa kanya.

Nang mabasa nito agad na sumulat ito at imbes na ibigay sa kanya ang papel pinakita na lang nito sa kanya ang nakasulat doon.

You are still a woman,we are all men's here!

Nginisihan lang niya ito at ibinaling ang tingin sa iba.

Nakita niya sa sulok ng kanya mata ang pagkuyom ng mga palad nito na nakapatong sa tuhod nito.

Ipinikit na lang niya ang mga mata. Mukhang gentleman pero hindi basehan ang pagiging babae niya para hindi sila magtagumpay sa misyon nila.

Tss,hindi ako papayag na maliitin mo lang ang kakayahan ko,Captain Fetzeir!

Nang makababa silang lahat sa camp na tutuluyan nila agad na umalis ang mga  helicopter na naghatid sa kanila.

Bago pa man siya sumunod sa team niya hinarangan na siya nito.

Matiim ang tingin sa kanya.

"May ipapatayo ako sarili mong tent.."

"Mga kasamahan ko sila.." aniya.

"Alam ko pero babae ka pa din at ako ang captain dito kaya ako masusunod dito,"mariin nito saad at agad na tinalikuran siya.

Marahas sya napabuga mg hangin.

Ano yun? Type ba siya nito o ano?

" Gentleman yan si Captain,kaya nga marami babae nagkakandarapa diyan eh.."pukaw ni Mario. Madali tandaan ito dahiL sa hikaw nito sa gilid ng bibig nito.

Ngumisi ito ng taasan niya ito ng kilay.

Nagtaas ito ng mga kamay na tila sumusuko dahiL sa klase ng tingin niya rito.

"We're team,right? Sinasabi ko lang na mabait siya pagdating sa isang babae ."

"Minamaliit niya ang kakayahan ko bilang babae," mariin niya saad.

Nagkibit ito ng balikat.

"Baka sa simula lang yun,saka ito ang unang beses na may makakatrabaho kaming babae..kaya pagpasensyahan mo na siya,Sgt.Eskovar.." friendly nito saad.

She sighed.

"Ganun din ba ang tingin mo sakin?"

Ngumisi ito. "Well,pwede mo naman patunayan yun sa amin," anito.

Itinaas nito ang nakakuyom nito palad at agad na nakuha niya ang ibig nito sabihin.

Nakipag-Fist bump siya rito.

"It's nice to meet you,Sergeant!"

"Likewise.." aniya.

Naikuyom ni Blaz ang mga palad ng makita at marinig ang pag-uusap ng dalawa mula sa malayo.

Shit,bakit ba naiirita siya na may lalaki kasama ang Sergeant na yun!

Malamang kursanada mo..pang-aasar ng inner wolf niya.

Shut up! Angil niya sa kanya wolf.

Damn it,ayoko mabulyaso ang mission na ito dahiL lang nadidistract siya sa babae iyun.

Yeah,she's very attracting woman!

Prince of Orange Wolves Series 6 : BLAZ FETZEIR by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon