CHAPTER 22

6.3K 184 14
                                    

Pagkatapos niya magreport sa opisina agad na nagtungo siya sa shooting area.

Namimiss na niya ang ingay ng baril.

May apat na lalaki na nakasalang at agad naman binati siya ng mga kasamahan ng makita siyang pumasok.

"Sgt. Eskovar! Long time no see ah!" pagbati ni Gelo.

"Kamusta?"

"Ito ganun pa din..mabuti naman nandito ka na ulit,matatapos na yung isa..ikaw naman," anito.

Alam nito na palagi siya nagpupunta roon para magpalipas ng oras.

Napatingin siya sa isang lalaki na nakatalikod sa kanya. Agad na gumalagabog ang dibdib niya ng makita parang pamilyar sa kanya ang lalaki.

Humakbang siya patagilid pakaliwa at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang tattoo nito sa braso dahil nakatshirt na itim lang ito.

"Kilala mo siya di ba? Si Capt. Fetzeir..bumisita dito," si Gelo ng makita kung sino ang tinitigan niya.

"Bakit naman?" agad na usisa niya.

"Ang sabi may pakay dito habang naghihintay ayan.."

Agad na kinutuban siya mukha alam na niya na siya ang pakay nito.

She sighed.

Pumihit ito paharap sa kanya. May ngiti na ito sa labi ng lingunin siya.

Napailing na lang siya.

"Kamusta?"

"Wala ka bang trabaho ngayon?" ganti-tanong niya.

He chuckled. "Nakaleave pa ko eh.."

Napataas siya ng kilay.

"Kaya naman pala.." aniya.

"Nagreport ka na?"

"Oo,next week pa ko bibigyan ng bagong assignment.."

Natigilan ito.

"Saan naman?"

"Hindi ko pa alam.." aniya.

Bumuga ito ng hangin.

"Sana binigyan ka muna nila ng break na wag ka muna ipadala sa malalayo lugar.."

Nagkibit siya ng balikat.

"Hindi naman ako namimili,I just do my job kung ano ang ibibigay nila sakin.."

He sighed. He look dislike on it.

"Pwede bang mainbitahan ka for dinner,later?" pagbabago nito ng usapan.

"Bakit naman?" hindi niya inaasahan iyun.

"Friendly date.." anito na may ngisi na sa mga labi.

Napahigit siya ng hininga.

"Ikaw ba wala ka bang babae at ako ang kinukulit mo?" pag-ismid niya rito.

Nabigla ito sa sinabi niya pero agad din nakabawi.

"Good boy ako,saka di ako nangbabae ngayon loyal na ko ngayon.." anito.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ah talaga lang ha..?" wala maisip na sasabihin niya saad.

He chuckled. "Ano,okay lang ba sayo?"

Hindi siya agad sumagot.

Gusto ba niya o gusto ba niya?

"Saan ba?"

"Sa pad ko.."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Don't worry,may mga kasama tayo.."pag-agap nito sa iisipin niya iyun na baka sila ang magkasama roon.

"Sige na..firearms is allowed at my place.." anito.

She sighed. Gusto niya.

"Alright,friendly date.." pagpayag niya.

Bakit ang bilis na niya ito pagbigyan? Samantala noong una halos isumpa niya ito pero ngayon halos bestfriend na nila ang isa't-isa. Nagkakayayaan na nga sila mag friendly date eh.

Wala naman masama,pareho naman kayo single.

Stop,brain! Please..tama na,we are just a friend.

"Okay!" ngiting tagumpay nito saad.

It's her first time na pupunta siya sa bahay ng isang lalaki.

Pero kampante naman siya na safe siya sa lalaki.

Nang huminto ang elevator sa floor kung saan nandun ang pad ng binata agad na nag doorbell siya.

Tumanggi siya na sunduin pa nito,naipilit niya na magtataxi na lang siya.

Bumukas ang pinto.

Isang ubod na gwapong lalaki na kulay tsokolateng na mga mata ang bumungad sa kanya.

"Come in,Jeniper right?!" friendly nito paanyaya.

Tumango siya rito. Nakakatulala lang ang kaguwapuhan nito.

"I'm Zei,"pakilala nito. Bago pa niya maabot ang pakikipagkamay nito sumulpot na si Blaz.

"Mabuti naman nandito ka na.." nakangiti nito saad.

Tinanguan niya ito at naagaw ng mga pusa na kasunod ng binata ang atensyon niya.

"Ang dami pusa.." mangha niya saad.

"Mahilig ka ba sa pusa?" si Zei.

"Oo kaso wala naman ako time para mag-alaga.." tugon niya.

"That's nice..buti ka pa," makahulugan nito saad sabay sulyap kay Blaz.

Hindi na niya pinigilan ang sarili na lapitan ang mga pusa. Ang kulay itim na pusa ang agad na binuhat niya.

"His name is luck," anang ni Blaz.

Nginitian niya ang pusa.

Prince of Orange Wolves Series 6 : BLAZ FETZEIR by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon