Napabuga na lamang siya ng hininga. Hindi niya inaasahan na magkikita sila sa lugar na ito ng dalaga. Nakaraan gabi pa siya init na init at ng makarinig siya ng lagaslas ng tubig habang pabalik sa bayan sinundan niya ang ingay na yun at natunton niya ang talon na ito.
Naisip naman niya maligo ulit ngayon umaga at lalo siya nag-init ng makita ang dalaga.
Damn,what the hell is this?
Hindi siya welcome dito pero hindi siya susuko dahil ang isang prinsipe ay hindi marunong sumuko.
Nagngingitngit ang kalooban niya habang pabalik sa kabahayan. Sinira ng kapitan iyun ang araw niya.
Padarag na binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Nanunuyot ang lalamunan niya.
Bigla gumitaw sa isip niya ang hubad baro katawan ng lalaki iyun.
Damn,he's so hot and sexy!
Napalagok tuloy siya ng maraming tubig.
Bakit ko ba siya iniisip..pinagnanasahan?
No!
"Jeniper?! Ineng?!" pagtawag mula kay Mang Dani.
Nang makita siya nito sa kusina humahangos ito lumapit sa kanya.
Puno ng pangamba at pag-aalala ang mukha nito.
"Mang Dani,bakit ho?"
Humihingal ang matanda. Agad na kinuha niya ito ng baso at sinalinan ng tubig.
"Inom muna ho kayo.."
Agad naman kinuha ng matanda ang inabot niya rito baso at halos nangalahati nito ang tubig sa baso.
"Ineng..may natagpuan patay sa may hangganan ng Villa.." agad-agad nito saad pagkainom.
"H-ho?"
"Agad ako pumunta rito baka kung ano na nangyari sayo rito..nakaligtaan ko ipaalam sayo na may gumagala serial killer dito satin lugar at hanggang ngayon hindi pa din siya nahuhuli.."
"Panglima na ngayon ang natagpuan sa may hangganan ng Villa..ineng,nag-aalala ako baka dito pumasok ang hayop na yun!"
Naikuyom niya ang mga palad.
"Saan ho ba banda natagpuan?" mariin niya saad.
Agad na sinamahan siya ni Mang Dani sa kinaroroonan ng bangkay.
Nahinto sa paglalakad si Blaz ng makita ang nagkukumpulan ng mga tao sa di kalayuan. Natagalan siya umalis sa talon dahil enjoy na enjoy siya magdive dun. Napangisi siya. Gusto lang niya marefresh bago makapag-isip ng plano kung paano siya muli makakalapit sa dalaga.
"Kailan na mahuhuli ang serial killer na yan..nakakatakot na,hindi na tayo ligtas dito!" narinig niya pag-uusap ng mga ito.
Nakakaamoy din siya ng amoy patay na tao. Namataan niya ang paparating na dalawang tao.
Si Jeniper at ang isang matanda lalaki.
Agad na humakbang siya palapit sa kinaroroonan ng mga ito.
"Naku,hija..mag-isa ka lang ba sa inyo? Delikado kung wala kang kasama sigurado nakapasok na sa lupain niyo ang serial killer na yun!" anang ng matanda babae.
"Huwag nyo naman siya takutin,ngayon lamang siya ulit nakauwi dito.." pagtatanggol ng matanda lalaki na kasama ng dalaga.
"May nagpapatrol po ba dito satin lugar gabi-gabi?" pagtatanong ng dalaga sa pulis na nag-aasikaso sa patay.
"Meron naman,hija..pero matinik ang hayop na yun." tugon ng may malaking tiyan na pulis.
Kung ganun delikado ang dalaga na mag-isa ito sa villa. Mabuti na lamang na sinundan niya ito. Tama lang na sumunod siya rito at may dahilan na siya para manatili sa lugar na ito hanggat nandito ito.
Bago pa man siya makita ng dalaga umalis na siya. Sa palagay niya,malaki ang maitutulong niya kung siya ang huhuli sa serial killer na yun.
Hindi niya hahayaan na makalapit pa sa dalaga ang mamatay tao na yun.
Wala sa sarili na napalingon siya ng walang dahilan sa may punong mangga.
Naikuyom niya ang mga palad. Naalala niya na bukas ang balkonahe niya nitong nakaraan gabi hindi kaya ang serial killer yun?
Kung ganun..kailangan niya mag-ingat ngayon.
Nasaan na kaya siya?
Agad na iwinaksi niya sa isip ang katanungan na yun.
Tss,bakit ba lagi na lang siya sumisingit sa isip niya?
BINABASA MO ANG
Prince of Orange Wolves Series 6 : BLAZ FETZEIR by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Orangewolf #Romance #Mate #dreame