Mula nang may mainit na eksena na naganap sa pagitan nila ng dalaga. Lalo sumidhi ang pagnanais niya na maangkin ito.
But fuck! Hindi niya maaari yun gawin dahil panigurado dadanak ang dugo mula sa kanya.
Gayunpaman dahil sa banal na alak na iyun kaya naging aggressive ang dalaga pero alam niyang kaakibat nun ang totoo damdamin nito.
Yeah,right,alam niyang pareho sila may attraction sa isa't-isa.
He sighed. Kuntento na siya ngayon na hinayaan siya ng dalaga na mapalapit rito.
"Ano?" untag niya sa sinabi nito habang kumakain sila ng hapunan sa paborito nito kainan malapit sa headquarters nito.
"Hindi ba pwedeng umatras ka na lang?" kuyom ang mga palad niyang muli saad.
Nangunot ang noo nito.
Shit,ito ang ayaw niya sa lahat.
"Bakit ko naman gagawin yun at isa pa ito ang trabaho ko," mariin nito saad.
Bigla siya nawalan ng gana sa pagkain. Alam niyang trabaho iyun ng dalaga pero bakit pa sa malayo lugar ito dalhin. Saka paano siya?!
"Blaz..alam mong kung ano trabaho ko..so stop acting like that.." sikmat nito sa kanya.
Tiim-bagang na tinitigan na lang niya ito. Hanggat maaari ayaw niya nakikipagtalo ito lalo na sa usapin gaya nito.
"Saka isa pa..hindi mo ako nobya para pagbawalan sa gagawin ko," sita nito sa kanya.
Right,totoo yun pero alam nilang pareho kung ano na ang namamagitan sa kanila.
Marahas siya napabuga ng hangin at naging tahimik na sila hanggang sa matapos ang dinner nila.
Hindi siya makatulog. Hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na sinusuway niya ang binata. Pero Bakit? Wala naman sila relasyon para manduhan siya nito?
Bakit wala ba? May nangyari na nga sa inyo di ba?! sita ng kanya isip.
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Pero make out lang yun.."
Ganun na din yun..ginagawa lang yun ng magkapareha na may damdamin sa isa't-isa..sagot ng isip niya.
Napaawang ang bibig niya. Hindi kaya may damdamin na siya para sa binata? Nang ganun kabilis?
Kinapa niya ang sarili.Malakas ang tibok ng puso niya. Palagi ganun kapag magkasama sila nito.
No way..
Naikuyom niya ang mga palad pero kahit na ba tutuloy pa din siya. Kung meron man siya damdamin para rito hindi nun mapapabago ang desisyon niya sasabak pa din siya. Saka noon pa lang ito na ang trabaho niya.
She sighed. Naiba lang dahiL nagkakilala sila nito.
Ipinikit niya ang mga mata. Agad na nakita niya sa isip ang disgusto nito ng sabihin niya ang pagpapadala sa kanya sa malayong lugar para sa mahalagang misyon.
"Maiintindihan naman niya yun,pareho kami ng pinaglalaban..para sa buhay ng mga inosenteng tao," nakapikit niya bulalas.
Pero nagtatalo ang isip at puso niya.
Paano kung hindi na siya makabalik at hindi na sila magkita?
Naidilat niya ang mga mata.
"Wala naman kasiguroduhan na gusto niya ba ko o hindi eh.." nakasimangot niya saad.
Wala kasi ito sinasabi, ang sinabi lang nito na may pagnanasa ito sa kanya.
Tss,mga lalaki taLaga!
Tama..kung may gusto ito sa kanya gagawa ito ng paraan para ipakita sa kanya ang tunay nito intensyon sa kanya.
As if naman pareho kami ng nararamdaman.
Hay,Jeniper..focus na lang sa trabaho!
BINABASA MO ANG
Prince of Orange Wolves Series 6 : BLAZ FETZEIR by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Orangewolf #Romance #Mate #dreame