Chapter 4 -Cat and Mouse

54 0 0
                                    

CHAPTER 4 - Cat and Mouse

Bert POV

Kakatapos lang ng first subject ko at ngayon at as usual puro pagpapakilala lang naman ang pinagkaabalahan namin.

Naglalakad na ko ngayon sa corridor papunta sa Room ni Clyde para alokin syang magmeryenda sa canteen.

Nang makarating na ko sa classroom nya agad ko syang ipinagtanong sa mga kaklase nyang nakatayo sa pintuan. "excuse me! Dude alam nyo ba kung asan si Clyde Buenaventura?" pagtatanong ko

"ayun oh! " sagot ng isang lalake sabay turo sa direksyon ni Clyde.

"thanks dude!" tugon ko, at sinundan ko na yung direksyon na itinuro ng kaklase nya at ayun nakita ko na sya este sila.

I mean my kausap syang babae ay mali pala hindi kausap kasagutan yata ang tamang term.

Aba teka! Mapuntahan na nga' baka kung saan mapunta ang pag-uusap nila.

Clyde POV

naglalakad kami dito sa corridor habang nag-uusap, hindi ko alam kung pag-uusap ba ang matatawag dito kasi pataas kami ng tono sa pagsasalita.

Well ang kabangayan ko lang naman ay si Lady Monster!!

Hindi nyo pa yata alam kung anong pinagtatalunan namin. Kaya heto at sasabihin ko sa inyo.

Naaalala nyo ba yung video ko?

Oi! Kung yung iniisip nyo na scandal yung video na sinasabi ko. Pwes mali kayo! Hindi yun! Naku' napaka berde talaga ng utak nyo...

Anyway ikikwento ko na sa inyo' ganito kasi yan ang kumuha ng video na yun ay walang iba kundi si Sky Bloom Reyes. Ang babaeng sisira ng last year ko sa high school.

At heto kami ngayon patuloy ang pagtatalo tungkol dun.

"Hoy! Bakit mo ba ko sinumbong kanina ha?" pagtatanong ko sa kanya

At syempre she only give me a poker face and a harsh explanation.

My Guardian AgentWo Geschichten leben. Entdecke jetzt