CHAPTER 21 - Doubt & Trust
Sky POV
Kasalukuyang bumabyahe kami ni Clyde pauwi galing school. Oh nagtataka kayo kung bakit magkasabay kami umuwi? Well Ganito kasi yan, after nung incident na harangin kami ng grupo ng men in black. Napag-isipan ko na mas mainam na isabay ko na sya pauwi tutal palagi ko na din naman gagamitin 'tong kotse ko at halos magkalapit lang yung tinitirhan ko sa bahay nya. At isa pa tuwing pauwi lang naman, kasi sa umaga may kasabay na sya sa pagpasok. Kahit na may nilagay na kong hidden CCTV sa perimeter ng bahay nila. Hindi pa din 100 percent sure na mamomonitor ko ang mga nangyayare sa kanya. Kaya ginagawa ko to. Isa din kasi 'tong way para mabantayan sya.
O diba ang talino ko. What a brilliant idea. Hahaha :D
Bukod pa dyan Nag-aalala din kasi ako about dun sa threat na sinabi nila. Mabuti na nga lang at madaling kausap ang lalaking 'to. at agad na sumang-ayon sa suggestion ko. Paano ba naman, Sabihan ko ba naman na "sige ka baka makita ka na lang ng pamilya mo na palutang-lutang sa ilog pasig." haha. Ang bad ko ba? Okay lang yan, para sa kanya din naman 'to at Mahirap na. Mas mainam na ang naninigurado.
Habang binabagtas ko ang byahe ay nagbukas ng usapan si Clyde "ang bait ng bago nating kaklase no? At ang jolly pa."
"sino dun? Dalawa kaya sila. Hello!" sagot ko habang patuloy na nagdadrive
"syempre si Violet." ngiting wagas ang loko pagkasambit nya ng ngalan ng panget na yun.
"tss. Yun mabait? Lutang ka ba? Hindi mo pa nga nakakasamang matagal mabait na. Mag-isip ka nga."
"bakit? Hindi mo ba nakikita yung paggreet nya sa'ting lahat. Napakalively nya nga tapos halatang friendly. At ang angelic pa ng face nya. Crush ko na yata sya." napapreno bigla ako sa huli nyang sinabi kaya naman nagulat sya
"oh anong problema? May muntik ka bang mabangga?" iniling ko lang yung ulo "tsk. Sabi ko na duda ko sa pagmamaneho mo eh. Diskumpyado talaga ko baka ibangga mo 'tong kotse." reklamo nya with matching pag-iling
ewan ko ba. Hindi ko din alam kung bakit ako nagulat sa sinabi nya. Siguro dala lang ng pagkabigla ko sa mga sinabi nya o Hindi kaya nag-aalala ako sa sinabi nya? Na crush nya na ang panget na yun? Bakit naman ako mag-aalala? Eh crush lang naman yun? Paano kung mainlove sya sa bruha na yun? Paano nga kung ganun? Paano nga kong magkaganun?
Ay takte!! nagmumukha na kong siraulo sa pagkausap sa sarili ko. Wala din naman ako makukuhang matinong sagot sa sarili ko. Dahil tanong ko, sagot ko. Great! >.< Nabalik ako sa sarili ko ng magsalita syang muli
"oh bakit ayaw mo pa magmaneho? Nasa state of shocked ka pa ba? Sa susunod talaga ako na magdadrive o di kaya di na lang ako sayo sasabay. Baka kasi natetense ka sa kagwapuhan ko." then he chuckled
Pinitik ko nga sya noo "gwapo your face! Asa!" nagsimula na ule akong magdrive. Habang sya naman ay nanahimik na lang
Napansin nyo ba na hindi ko sya pinagdadrive? Gustuhin ko man na sya ang pagmanehunin nitong sasakyan para hayahay lang ako ay hindi pwede. Nakaprogram kasi sa kotse na to na ako lang ang pwedeng gumamit. Meron kasi tong finger print scanner sa handle ng pintuan then sa manibela at nakaregister din yung prints ko. Kaya ako lang ang pwedeng magbukas at magpatakbo nito. Kung sakali mang may makialam ng system nitong kotse ko or pakielamanan ang makina or anything else na parts nito. Ay automatically na magseself destruct ito within ten seconds. Oh diba ang loyal ng kotse ko at ang high-tech. kaya nga i love this job. Kasi bukod sa malaki na ang sweldo, nakakapagtravel pa ko ng free around the world. Inggit kayo no. Wahaha
Clyde POV
habang nasa byahe kami ay tuloy lang kwentuhan namin tungkol sa bago naming classmates at ewan ko ba dito kung bakit puro negative ang mga sinasabi nya tungkol kay violet. Hindi kaya insecure 'to. Ewan ko lang.
"nga pala bakit mo nasabi na hindi mabait at friendly si Violet?" curious kong tanong, gusto ko kasi malaman yung sasabihin nya at para malaman ko na din kung naiinsecure nga ba sya.
"alam mo kasi hindi mo pwedeng sabihin na mabait sya or something kung unang beses nyo pa lang nagkakilala." sagot nya habang diretso ang tingin sa kalsada
"may point ka nga. Sige ano pa?"
"ay lintek hindi ka pa satisfied. Sige eto pa. Gaya nga ng sinabi ko nung una, you cant judge or trust someone that you had just met once. Kasi hindi mo pa sya kilala ng lubusan at maaring ang ipinakita nyang attitude that time ay sa simula lang or naninimbang pa sya sa pakikitungo nya."
"may punto ka ule. Sige ituloy mo lang."
"grabe ha! Dipa kuntento." sarkastiko nyang reply pero di ko sya pinakinggan at patuloy pa rin sa pag-antay ng iba nya pang sasabihin. "okay fine. Bukod pa dyan hindi mo alam ang takbo ng isip ng bawat tao. Sino ang mabuti at masama. Kaya dapat alam mo kung kelan mo dapat gamitin ang dalawang salita na "Doubt & Trust" piliin mong mabuti ang taong pagkakatiwalaan mo. Dahil hindi mo alam kung sino ba ang totoo mong kakampi at kaaway. Isa lang masisiguro ko sayo "Our world our full of lies and mystery."
hindi ko napansin na medyo napanganga ako sa mga sinabi nya. Grabe dumudugo yata yung utak ko sa mga pinagsasabi neto.
"oh natanga ka dyan? Mukhang napabilib ka sa mga sinabi ko." pagyayabang nya
"hindi ah. Pero impressive ang galing mo. Kala ko tuloy lola ko yung nangangaral. Hahaha" sabay tawa ko bilang ganti
"ang ganda ko naman kung lola mo ko." sabay flip nya ng hair nya. Grabe sa confidence ha. Pero totoo naman talaga yung sinasabi nya na maganda sya. Ay shet! Ok i admit it. Maganda nga sya but yun lang yun. Ano masaya na kayo? Badtrip!
Habang lumilipad ang aking isipan hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. "hoy! Wala ka pa bang balak bumaba? Mukhang nasarapan ka yata sa loob ng kotse ko? Hoy baba na sayang yung aircon ko. Bilis chupi." pagtataboy nya sakin.
"tss! Sunget!" yan lang ang nasabi ko at pagkababa na pagkababa ko ay agad nyang pinaharurot yung kotse. Aisst! Problema nun? Tsk!
Sky POV
Kakababa lang ng sasakyan ni Clyde at plano ko sanang bwisitin muna sya bago ako umalis. Pero biglang nagbago ang balak kong gawin ng may mamataan ako na kahina-hinala sa di kalayuan. Na para bang may sumusunod sa amin. Kaya naman naisipan kong paandarin ang kotse palayo sa kinaroroonan ni Clyde upang malaman ko na mali Ang kutob ko. Pero hindi! At hindi na ko magtataka kong padala o kamiyembro ito ng grupo ng men in black na kamakailan lang na aming nakasagupa.
Hindi na talaga dapat maging kampante, at basta basta magtiwala sa kahit sino sa panahon ngayon, kailangan ng mas matinding pag-iingat. lalo na't unti-unti nang tumitindi ang sitwasyon na kinabibilangan namin ni Clyde.
Pero sandali lang. Sino ba sila? At ano ba talaga ang totoong pakay nila kay Clyde? At sino kaba talaga Clyde Buenaventura?
YOU ARE READING
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...