CHAPTER 23 - Strange feeling
Sky POVIlang araw na ang nakalipas magmula nang may mamataan ako na may ilang di kilalang tao na tila sumusunod at nagmamanman sa amin.
Napansin kong magpahanggang ngayon hindi pa din ako mapanatag. Dahil palaging sumasagi sa isipan ko ang katanungan na "paano kung isang araw sumalakay muli sila na hindi kami handa at sa pagkakataong iyon ay magtagumpay sila. Paano na" kaya naman pilitin ko man ipabatid sa aking sarili na maging positibo ay hindi ko pa din magawa. Masisi nyo ba ko? Trabaho ko to! Kaya naman dapat paglaanan ko ito ng dedikasyon.
Bukod pa dyan ang isa pang ikinakabagabag ng isipan ko ay banta nila sa amin na magbabalik sila. At halos napakatagal na nilang hindi nagpaparamdam. Tila meron silang malaking binabalak. Kaya naman ako ay kinakabahan. Sana mali ang iniisip ko.
Clyde POV
"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!" --.
Buntong hininga ko yan kung nagtataka kayo.Ewan ko ba! Bakit ba ganito yung pakiramdam ko. Alam nyo yung naiinis ka sa isang tao pero di mo naman magawang magalit. Di nyo ko magets noh! Kahit nga ako di ko maintindihan tong sarili ko.
"BOO!" gulat sakin ni Ellaine
-.- yan naman yung reaksyon ko.
"ay ganun di man lang nabigla." sarkastiko nyang sabi
"huh?" tugon ko
"nevermind! Ano bang problema mo? Mukhang malalim yang iniisip mo?" pagtatanong nya
"wala to." maiksi kong tugon
"wala daw. eh halos lamunin na nga nang iniiisip mo yung buong utak mo sa kakaisip." hindi na lang ako sumagot para wala na syang masabi. Pero babae nga naman sadyang makulit at mapilit.
"Clyde alam mo. Kaibigan mo ko at matagal na tayong magkakilala kaya naman di kana bago sakin. Kaya naman kung may problema ka wag kang mahiyang magsabi sakin. Kaya ka nga may kaibigan.kasi para tulungan ka at sagutin ang mga tanong na gumugulo sayo. Anong pang silbi ko at nandito ko kung hindi kita matutulungan." napalingon ako at napangiti ng bahagya sa mga sinabi nya
"ayan ha! Medyo mahaba-haba yung sinabi ko." pagbibiro nya "so ano palang pinoproblema mo?" pagtatanong nyang muli
"ano kasi yon." sagot ko na halatang nahihiya
"anong yon?" pangalawa nyang tanong
"ganito kasi yon. Ahm"
"ah alam ko na!" sambit nya sabay snapped ng daliri nya
"mali pala yung tanong ko. Hindi ano? Kundi sino?" sabay halakhak nya
AUTHORS NOTE:Pasensya na sa paghihintay.
guys pls. Vote & share. Tnx :)
ESTÁS LEYENDO
My Guardian Agent
Novela JuvenilGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...