CHAPTER 19 - Now or Never
Clyde POV
Lunes ngayon at araw nanaman para pumasok. Maaga ako nagising kaya ginising ko na din si Bert para mag-asikaso at paalalahanan syang huwag lumiban ng klase kahit na may broken hearted sya. Halos dalawang araw na din kasi syang hindi na labas ng bahay. Kaya maging sila Tito at Tita ay nakakahalata na.
Habang kumakain kami ay pansin ko sa kanya na matamlay sya at ang negatibo ng aura. nakikita ko din na sobrang laki talaga ng epekto sa kanya ng makita ang taong mahal nya na masaya sa piling ng iba. Dahil sa ayokong magpatuloy syang nasa ganyang estado ay naisipan kong iopen ang usapan tungkol dun para mapayuhan sya.
"Bert nga pala tunko--" napahinto ako sa pagsasalita ng sumingit sya "enough. Pwede ba Clyde wag ngayon please. wag muna ituloy. Hayaan mo na lang muna ko." sagot nya at akmang papatayo na sa kinauupuan nya. Pero bago pa sya tuluyang makaalis kailangan ko syang mapayuhan nang sa ganun ay magawa nyang maitama yung pagkakamali nya at magkaroon ng konting pag-asa. Sana makatulong sa kanya ang mga sasabihin ko.
"ano aalis ka na lang? Ano tatakasan mo na lang yung problema mo? Pwede ba patapusin mo muna ko. At kahit ngayon lang pakinggan mo ko. Kapatid mo ko at gusto lang kitang tulungan. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Kaya please makinig ka muna sa sasabihin ko." tumigil sya sa pagtayo at bumalik na sa pagkakaupo
"salamat. Paano ko ba sisimulan. Ah ganito. Gusto ko lang sabihin sayo. Susuko ka na lang ba ng ganun ganun lang? Hindi mo man lang ba planong ipaglaban yang nararamdaman mo?"
"para san pa? Huli na. Kahit sabihin ko pa to sa kanya wala na din namang magbabago."
"paano mong nasabi na walang magbabago? Bakit nasubukan mo na ba? Hindi pa naman di ba. Yan ang hirap minsan sa tao, pinangungunahan lahat ng bagay. Kahit hindi pa alam nagcoconclude agad. Paano mong nasasabi na huli na ang lahat kung hindi mo pa nagagawa ang dapat mong gawin. Dude wake up! Open your eyes."
"meron ng iba. May nagmamay-ari na sa kanya. At simula pa lang sa umpisa Ay wala naman talaga akong karapatan na sabihin to sa kanya."
"sabihin na natin na meron ng iba pero the fact na hindi mo yan sasabihin sa pananaw ko ay mali. Let say wala ka ngang karapatan na sabihin sa kanya yan pero sya may karapatan na malaman yan. Alam mo kung bakit? Sya lang naman ang babae na pinipi mong mahalin. Kaya kung ako sayo. Sabihin mo na ang lahat sa kanya. Hindi mo pa naman alam kung anong kalalabasan ng gagawin mo. Ang mahalaga sinubukan mo. Hindi ka man magtagumpay sa huli, ang importante nagawa mo yung dapat mong gawin. Ano bang mas gusto mo? Mawala sya sayo na wala ka man lang ginawa o kahit na mawala sya sayo ay alam mo sa sarili mo na ipinaglaban mo sya? Wag kang matakot sumubok. Its Now or Never."
Bigla syang tumayo "thanks bro" at nagmamadaling lumabas ng bahay
"hala. anak ng tokwa. Iniwan na lang ako dito bigla. Mukhang natauhan na yata. Buti naman kung ganun. Grab--" natigil ako sa pagsasalita ng may pumalakpak sa may gawing kanan ko at halos mapanganga ako
"wow! Galing magpayo ah. Pang MMK ang mga linya." biro sakin ni Tito na nakangiti ng nakakaloko "ka-kanina pa kayo dyan?" gulat kong tanong

BẠN ĐANG ĐỌC
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...