CHAPTER 6 -First impression won't last
Sky POV
Nagising ako sa isang maliit na kwarto na halos kulay puti ang mga kasangkapan, at napansin kong may pumasok na isang babae na nakaputing kasuotan sa loob ng silid.
Na ang tantsa ko ay 20-25 years ang edad, pagkapasok nya agad nya akong nilapitan at tinanong "oh' gising ka na pala? Kamusta ang pakiramdam mo?" pagtatanong nya
"ahm medyo nahihilo pa rin po ako ng bahagya?" sagot ko
"sige magpahinga ka muna" tugon nya at my ibinigay syang gamot sa akin. "take this! Makakatulong yan para mawala yung pagkahilo mo at magpahinga ka muna dito. By the way i'm ms.katherine Avilla or just call me "ms.Kath" for short and im your school physician." pagpapakilala nya
Doon ko lamang nalaman na ang silid na kinaroroonan ko ay ang clinic ng aming campus.
Maya-maya na alala ko yung panaginip ko kanina. Nasa loob daw ako ng isang kwarto Na napakadilim at masikip at may isang lalaki na hindi ko mamukhaan kung sino, basta bigla nya daw ako ipinasan sa likod nya at hinalikan sa lips... Hihi ^________^ and we live happily ever after...
Echos lang! Yung iba kasing part ng panaginip ko, hindi ko na masyadong malala. Ay teka makapagtanong nga
"Excuse me ms.Kath' can i ask you something?" sambit ko
"sure! What is it?" tugon nya
" ahm! Paano po ako napunta dito sa clinic?" at ano po bang nangyare sakin?" pagtatanong ko na halatang curious
" ah yun ba' ganito kasi yan, may pumunta dito na lalakeng estudyante at pasan pasan ka nya. Sabi nya inatake ka daw ng Claustrophobia kaya ka ngayon andito."
"ah' sino naman po yung lalake na nagdala sa akin?" curious kong pagtatanong ... "ayun oh!" turo nya sa may couch at Oo nga may lalake nga dun, ang kaso diko makilala kasi nakayuko sya, mukhang tulog.
Tinanong ko si ms.kath "ms.kath alam nyo po ba yung name nya? Di ko po kasi marecognized kasi nakayuko po e." wika ko
"ahmm... Kung hindi ako nagkakamali Clyde yata yung name nya" pagkarinig ko nun bigla akong nasamid. "napano ka?" concern nyang tanong

YOU ARE READING
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...