Chapter 14 -Second Time Around

31 0 0
                                    

CHAPTER 14 -Second Time Around

Sky POV

matapos nang nakakatawang pangyayari at nakakatuwang eksena ay nagyaya na si Clyde na umuwi. Wala na din ako nagawa kundi sumunod dahil alam ko medyo nahihiya sya ngayon dahil sa patuloy pa rin kaming tinutukso ng ilang estudyante na nakakita samin kanina. But i find it cute. Nakakatuwa kasi yung expression nya kapag nahihiya. Namumula tapos parang bata na hindi mapakali. Haha :)

Habang naglalakad kami palabas ng campus naisipan kong basagin yung katahimikan.

"Okay ka naman pala kumanta e" nakita ko naman bahagya syang napangiti at medyo narerelax na.

"talaga?" nahihiyang nyang natanong kaya naman napachuckle ako

"oh bakit ka tumatawa? Pinagtitripan mo lang ako no?! Tsk. Sabi ko na!" irita nyang sabi

"buti alam mo! Haha" hindi na sya sumagot at narinig ko na lang na huminga sya ng malalim

"just kidding. Totoo! Ayos ka naman pala kumanta. Not bad at all."

"salamat" nagnod lang ako

Nakakatuwa lang isipin na mag-eeffort pa talaga sya na magdala ng gitara and i didn't expect na marunong syang maggitara. At aaminin ko maganda naman talaga yung boses nya at may himig talaga sya kapag kumakanta. Siguro ayaw nya lang talagang aminin sa sarili nya na may talent sya sa pagkanta at kulang lang sya sa lakas ng loob upang ipakita yun.

Habang kinakausap ko yung sarili ko bigla na lamang sya nagsalita "hatid na kita." kaya naman nabalik ako sa katinuan

"ha? No-nope! Ikaw na lang ihatid ko." tugon ko na halata sa mukha nya na naguguluhan sa sagot ko.

"ano uli yun?"

"i mean huwag muna kong ihatid. Mauna kana. Kaya ko naman ang sarili ko"

"sigurado ka? Malapit na kasi magdilim kaya ihahatid na kita." umiling-iling na lang ako sa kanya at itinaas ko ang kamay ko as a sign na wag na. Totoo naman kasi na kaya kong protektahan ang sarili ko. At ang dapat na mas iniintindi nya ay ang sarili nya lalo na't alam nya na may pagkalampa sya.

"yeah. Im sure! Don't worry about me. I can handle myself." nagnod lang sya

Clyde POV

Hay! Grabe talaga yung nangyare kanina. Akala ko mapapahiya ako. Bakit ba kasi biglang nagsipagsulputan yung mga taong yun. Di ko expected na may mga tao pala dun na napunta sa ganoong oras. Buti na lang at nakasurvived ako dun. Akala ko hihimatayin ako. Oo sabihin nyo nang ang OA ko! Pero Hindi nyo talaga ko masisi. Hindi talaga kasi ako sana'y na humarap sa maraming tao at lalo na ang ipakita na nakanta ako. Kaya napaka laking bagay sakin ang usapin na ito. Kung hindi lang talaga ako agad pumayag hindi sana ako napasubo sa deal na yun. But eventually i just realize na my good consequences din naman pala yun. Kaya masaya na din ako sa kinalabasan.

Kasalukuyan na naglalakad kami ni Sky palayo ng campus at nag-uusap tungkol sa pag-offer ko sa paghatid sa kanya pauwi but wala din akong nagawa kundi pumayag sa gusto nya. Grabe! No match talaga ko sa pagiging diktador nito. Halos dalawang kanto na pala ang layo namin sa campus nang may biglang huminto sa harapan namin na itim na kotse at bumaba ang apat na lalaki na nakasuit. Woah! Para silang mga MEN IN BLACK. Maya-maya pa ay unti-unti silang lumapit samin at nagsalita yung isa sa kanila. Yung pinaka leader yata nila yun. "sumama na lang kayo sa amin ng mahinahon, kung ayaw nyong masaktan." kalmado nyang sabi

Medyo gulat pa ko ng bahagya sa sinabi nya kaya mga ilang segundo bago ako nakapagsalita. "Paano kung ayaw namin?" matapang kong sagot pero ang totoo medyo kinakabahan din ako. Paano ba naman apat kaya sila tapos isa lang ako at bukod pa dun may kasama pa akong babae.

"kung ganun' mukhang naghahanap ka yata ng sakit ng katawan." sabi nung isa nyang kasama na nagpapalagatik na nang kanyang mga daliri sa kamay. Napalunok na lang ako ng laway sa mga sinabi nya.

Maya-maya lang naispan ko na lang na iharang ang sarili ko sa harapan ni Sky at binulungan ko sya. "Hoy! Dito ka lang sa likod ko. Huwag ka aalis dyan akong bahala sayo! Kukunin ko tung atensyon nila tapos tumakbo kana palayo. Ako nang bahala dito." pagkasabi ko nyan agad ko nang hinarap yung apat. Putik mukhang mapapasubo ako nito. Tsk! Medyo may kalakihan pa naman yung katawan nila kumpara sa akin.

Sumugod na yung isa at sinalubong ko yung suntok nya. At dahil sa hindi naman talaga ako sana'y makipag-away. Ayun sapul agad ako at bahagya akong napaluhod.

"grabe! Mahina pala to! Totoy na totoy pala to! Ayoko na mga brad! Walang kwento to kalaban." sabi nang sumapak sakin.

"hayaan muna. Turuan mo na lang ng leksyon. Papalag-palag wala naman pala ibubuga." komento ng leader nila

Lumingon naman ako kay Sky at nagbigay ng look na tumakas na sya at iwan nya na ko but nagtaka ako sa ginawa nya. Imbes tumakbo palayo. Ang ginawa nya ay lumapit patungo sa direksyon kung saan andun yung mga lalaki na humarang sa amin.

Pasigaw na ako upang pigilan si Sky na makalapit pero biglang may naramdaman ako na sumuntok sa tagiliran ko kaya naman napalupasay ako sa semento. At hindi ko na nagawang pigilan sya. Damn! Bakit ba kasi ang lampa ko! Bulong ko sa sarili ko. Pinilit kong tumayo ng dahan-dahan at iminulat ko ang aking mga mata upang makita ko kung ano na ba ang nangyayari. At napanganga na lang ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kung itatanong nyo kung bakit? Eto at sasabihin ko.

Well nakabulagta lang naman sa lapag yung sumapak sakin at yung isa naman ay namimilipit sa sakit sa tyan. Dahil sinikmuraan lang naman nya. At dahil sa dalawa na yung tumumba at dalawa na lang ang natitira. Ang ginawa nila ay nagsabay sa pagsugod Para pagtulungan si Sky. Pero maning mani lang sa kanya yung dalawa, yung isa hinawakan nya sa braso at tsaka inihagis palayo. Grabe! Sa taekwondo ko lang nakikita yung ganong move. Tapus biglang yung pinakaleader ng mga men in black sumugod sa likod nya para hawakan sya, pero hindi pa nakakalapit tumalsik agad. Binigyan nya lang naman ng back kick. Pagkatapos nyang pabagsakin ang grupo ng men in black ay agad na nagdeklara ang pinaka leader nila ng pag- atras at nakuha pang magbanta. "Boys we need to full back! And you! You'll pay for this! This is just the beginning so watch your back!" at yan ang last farting words ng mga kumag.

Mabuti na lang at may pagka Amazona pala tong si Sky, kamag-anak yata nito si Xena?. Nakakatakot pala tong kaaway. Barbaro yata to. Tsk!

Pero infairness nakakadagdag ng ganda points sa kanya yun. Kahit ang fierce ng look nya habang nakikipaglaban sya. Para sakin ang hot nya dun. Ay teka! Ano na ba tong pinagsasabi ko. Tsk. Pero ang totoo malaki ang utang na loob sa kanya ngayon. Mabuti na lang at magaling pala syang makipaglaban kung hindi baka pinaglalamayan na ako ngayon.

Napabulong na lang ako sa sarili ko. "Iniligtas nya nanaman ako. Sa pangalawang pagkakataon."

My Guardian AgentWhere stories live. Discover now