CHAPTER 9 -Sleep over
Sky POV
Alam nyo ba? Sobrang nakakatuwa lang yung mga nangyare samin ni Clyde kahapon. Ops! Lilinawin ko lang walang nangyare samin gaya ng iniisip nyo ang ibig ko lang sabihin ay ang mga pinaggagawa namin kahapon. Inunahan ko na kayo kasi alam ko naman na nagbeberde nanaman yung mga utak nyo. :p
Well kung hindi nyo naitatanong halos mukha lang naman kaming tanga kahapon dahil sa tila animo'y mga bata kami na naghahabulan sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Halos pinagtitinginan na nga kami ng iang nadaan na tao at mga nakasakay sa sasakyan. Wapakels lang kami, kung naiinggit sila? Edi maghabulan din sila sa ulan. Haha :D at tsaka nakakatuwa lang halos hindi kasi kami nag-aaway ng mga oras na yun, parang close na close kami hehe... habang iniisip ko ang mga nangyare kahapon hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. ^_________^
Cough cough cough! (--.)
Ubo ko yan' medyo masama kasi yung pakiramdam ko ngayon, siguro dahil sa pagpapaulan ko kahapon pero pumasok pa din ako, kailangan kasi. Palabas na ko ng classroom dahil dismissal na, pahakbang na ko palabas ng pinto ng makaramdam ako ng pagkahilo kaya naman napahawak ako sa gilid ng pintuan at nabitawan ko yung bag na bitbit ko. Damn! Bakit ngayon pa! Bulong ko sa isipan ko
Clyde POV
Inaayos ko na yung mga gamit ko para makauwi na agad ako ng bahay. Kasalukuyang naglalakad na ko papunta sa pintuan ng mamataan kong nakayuko at medyo nakayakap si Sky sa pintuan kaya naman agad ko syang nilapitan at napansin kong matamlay ang itsura nya. Mukha syang may sakit kaya hinawakan ko ang kanyang noo gamit ang aking palad. Sh*t! Ang init nya! Inaapoy sya ng lagnat! Panic attack... What should i do? For god sake ano bang gagawin ko? Clyde bilisan mo mag-isip... Ah' alam ko na!
Inakay ko sya palabas ng room at binitbit ko yung iba nyang gamit at hinatid ko sya papuntang clinic. Nanakarating kami roon agad ko syang ipinatingin, at pagkatapos syang iexamined ito yung sinabi ng nakaassigned na nurse "based sa result ng mga test sa kanya mukhang tinamaan sya ng trangkaso kaya naman ang maipapayo ko mas mainam na magpahinga muna sya at inumin nya itong mga gamot na irereseta ko." after ko malaman yung sakit nya, agad ko syang kinausap "psst! Oi! saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita pauwi." pag-aalok ko. "no! Hindi na kailangan' kaya ko ang sarili ko." mahina nyang tugon "anong kaya mo? Nagpapatawa ka ba? Eh halos hindi mo na nga maihakbang ang mga paa mo kanina tapos sasabihin mo sakin na kaya mo." tugon ko "ou nga kaya ko nga. Sige umalis kana." pagtataboy nya "aisssh! Wag ka na nga makulit! Kahit anong gawin mo ihahatid kita sa inyo dahil tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit ka may sakit ngayon. Kaya dali na at sabihin mo na yung address mo." pagpapaliwanag ko habang nakacross arms "ok fine!" sabay irap nya... Haha nakakatawa talaga tong babaeng toh! Kahit may sakit na' nakukuha pa din magtaray. She so interesting...
YOU ARE READING
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...