Chapter 16 - Hindi no!!!

23 0 0
                                    

CHAPTER 16 - Hindi no!!!

Clyde POV

"HOOOOOY! CLYDEEEE! ANONG NGINIGITI NGITI MO DYAN? AT IBINUBULONG? PARA KANG BALIW!" tawag sakin ni Bert kaya naman tumungo na ko sa direksyon nya

"OH! NAPANO KA? SINO MAY GAWA SAYO NYAN? HA! ILAN SILA? NAMUKHAAN MO BA? ANO RESBAKAN NA BA NATIN? KELAN MO GUSTO? ANO? BAKIT DI KA SUMASAGOT? UY!" sunod sunod nyang pagtatanong. Kaya naman hinawakan ko sya sa balikat

"hoy! Wag ka ngang OA! Tsaka hinay hinay lang sa pagtatanong. Talo mo pa si tita magbunganga. Para kang babae." reklamo ko.

"eh ayaw mo kasing sumagot!" Kaya naman napasalubong ang kilay ko "paano ba naman ako sasagot? Kung ayaw mo ko pasingitin. Diba!"

"ok. Eh anong bang nangyare?" mahinahin nyang tugon

"wag ka mag-alala. Ayos na ko. Tsaka bukas na lang natin pag-usapan. Inaantok na kasi ako."

"ah' sige sige! Pero maiba tayo. Bakit pala ang lapad ng ngiti mo kanina?" curious nyang pagtatanong hanang nakatingin sakin ng nakakaloko

"ako nakangiti kanina?" pagkukunwari ko na di ko alam

"Oo. Paulit-ulit?." pilosopo nyang sagot

"Hindi no!" pagdedeny ko habang nakatingin sa labas

"hindi ka dyan! Eh bakit hindi ka makaringin sakin ng diretso?" pangungulit nya

"Hindi no! Nakatingin ako sayo no!" pagpapalusot ko habang pinanlalakihan sya ng mata para ipakita na nakakatingin ako sa kanya ng diretso

"dapat talaga panlakihan ako ng mata?. Psh! Aamin na lang kasi di pa magawa." at nagmake face sya. Haay! Bakla yata to? Sobra sa pagkachismoso! Tsk!

"oh sya! Tama na yung pagtatanong! Gusto ko na magpahinga. Lalo mo lang ako pinapagod sa pagtatanong mo." humikab ako ng kunwari at tumalikod na ko upang lumakad na paakyat sa kwarto. pero sadya talagang may kakulitan to si Bert kaya may pahabol pa

"last na. Ano nga pa lang ibinubulong mo kanina?" hindi ko na sya hinarap "BERT!!! INAANTOK NA TALAGA KO!!!" irita kong sagot

Sa wakas! Tumigil na din sya at Nakapasok na din ako sa kwarto at agad akong nagdive.

...

Sabay kaming pumasok ngayon ni Bert ang magmula ng bumangon ako magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pangungulit nya about what happen yesterday. "Dude! Sabi mo sakin kagabi before ka matulog ikikwento mo sakin yung mga nangyare sayo. Naglilihim kana yata sakin ngayon. Im so disappointed to you." pangongonsensya nya sa akin.

Oo totoo ngang nangako ako sa kanya na sasabihin ko sa kanya ang dahil ngayon. Ang kaso tinawagan ako ni Sky kagabi, na huwag ko daw munang sasabihan sa iba yung tungkol sa nangyare kahapon. Kaya kahit labag sa kalooban ko na paglihiman si Bert ay ginawa ko pa din.

"may sinabi ba akong ganun' parang wala naman yata." pagmamaang maangan ko habang nakalagay yung kamay ko sa baba ko

My Guardian AgentWhere stories live. Discover now