Chapter 10 -I Hate It but She Loves It

41 0 0
                                    

CHAPTER 10 -I Hate It but She Loves It

Clyde POV

Alam nyo ba? Halos magdadalawang linggo na kaming hindi nagbabangayan Sky. Ou nga! mainam ang ganito na nagkakasundo na kami, pero nakakapanibago lang talaga' kasi hindi ko talaga lubos maisip na mangyayare pala ang mga ganitong bagay, gaya nang magkakasundo pala kami ng ganito katagal at ang sarap isipin na unti-unti na kaming nagiging magkaibigan. (sigh) sana palagi na lang ganito?. ^o^

Ay Ou nga pala' muntik ko na makalimutan may exam pala kami sa Math ngayon. Makapagbasa review nga muna. Naglalakad na ko papuntang Infinity High habang nagbabasa ng notes at sinusubukan isaksak sa kokote ko ang ilang formula's na maaring gamitin sa exam mamaya. Aaminin ko sa inyo hindi ako gaya ng ilan na gifted pagdating sa numbers dahil ang totoo nyan gaya din ako ng ilan na halos isumpa ang subject na to! Alam nyo na kung bakit at kung hindi isipin nyo na lang na I REALLY REALLY HATE NUMBERS!!! >.<

makalipas ang ilang minuto ng paglalakad at pakikipagdaldalan sa inyo ay matiwasay na akong nakarating sa aking pinakamamahal na paaralan. At heto na! Malapit nang mangyare ang isa sa mabigat na kalbaryo ng yugto ng buhay ko! (T.T) ang mag-exam sa math.. Huhuhu ... Ok korni! Pumasok na ko sa room at umupo na at nakita ko si Sky na kakarating lang kaya naman binati ko sya "Hi? Good morning!" she smile at me as a sign of Reply. Umupo na sya sa designated seat nya at dumating na din yung teacher namin sa math.

Sky POV

Nagstart na yung exam namin sa math at kasalukuyang nagsasagot ako ngayon. Sa totoo lang sisiw lang sakin ang mga ganitong exam dahil ang totoo nyan Math-inik ako pagdating dito. Diko din alam kung bakit ako nahilig dito, basta ang alam ko gustong gusto ko talaga ang pagcocompute at ang mga numbers ay isa sa nagbibigay kulay sa buhay ko :) but lilinawin ko lang hindi ako nerd pagdating dito' sadyang hilig ko lang at gifted ako sa ganitong subject. And besides bukod sa Maganda ako may utak din ako na ipagmamalaki. Oh diba ang ganda ko lalo ^O^

Biglang sumagi sa isip ko si Clyde kaya naman sinubukan kung tingnan sya upang malaman ko kung tapos na sya sa pagsasagot. At nakita kong petiks lang ang loko, aba' mukhang tapos na pala sya sa pagsagot? Akalain mo may utak pala to pagdadating sa math?. Hindi ako makapaniwala? Naunahan nya pa ko? Ay sabagay dinaldal pa kasi ako ng readers kaya naman hindi ako agad natapos. Haha :D

Sinitsitan ko sya "psst! Oi!" lumingon sya sa direksyon ko at nagmakeface sya bilang sign ng bakit?. "tapos kana?" bulong ko "huh? -eh" tugon nya "ang sabi ko kung tapos kana magsagot?" ulit ko... Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin ng seryoso as in yung mga mata nya nakatitig sa mga mata ko. Oh sh*t bakit parang gumagwapo sya sa paningin ko? Lalo na kapag seryoso tung facial expression nya? Tsk! Bakit ganito yung nakikita ko sa kanya? Eto ba yung epekto ng pag-aalaga nya sakin nung may sakit ako? Oh f*cked! Ginayuna yata ako nito? No! Hindi pwede toh! Dapat ko tong mapigilan! Dapat hindi nya ko mahalata ok relax!

Nabalik ako sa aking katinuan ng bigla ayang magsalita "ang totoo kasi nyan kanina lang ako nagreview at aamini ko wala talaga akong maisagot sa exam natin. Looked oh" pinakita nya sakin yung test paper nya at nakita kung ubod mg linis halos walang bakas ng kahit anong rungis. At ang isa pa sa nakakagulat maging ang sarili nyang pangalan hindi nya isinulat. Napakaweirdo talaga nitong lalaking to! Pati yun hindi isinulat, kumuha pa sya ng test paper? Ano to idisisplay nya lang sa table nya? Patawa talaga. Kaya nagsmirk ako (~~.)

Dahil sa hindi ko sya matiis, pumilas ako ng isang papel sa notebook ko at nagsulat ng ilang scratch at sagot sa exam ko at itinupi ko sa maliit na bahagi at iniabot sa kanya. Alam ko mali yung ginawa ko na nagpakopya ako but sayang naman yung utak na ibinigay sa akin kung hindi din makakatulong sa iba. Tama ba?

[Author's note: lilinawin ko lang mga bata hindi pa din po tama ang mangopya. Unless may magpapakopya sa inyo. Hehe ^.^]

Ano ba to si author bigla-bigla na lang sumisingit! Pinaglihi siguro to sa singit? Tingin nyo? Haha

Anyways highways... Pagkabigay ko kay Clyde ng sagot nagsalita sya bigla "oi! anong gagawin ko dito?" pagtatanong nya "kainin mo!" pamimilosopo ko "hindi nga? Seryoso!" wika nya "ano ka ba? Natural gamitin mo. Napakaslow mo talaga!" tugon ko bigla nyang iniabot sa akin yung papel na ibinigay ko sa kanya at sinabi nya "no i cant!" kaya naman kinuha ko yun at ibinalik sa kanya "no take this! Anong gusto mo? Gamitin yan para may maisagot ka? O Ibalik sa akin yan nang sa ganun wala kang maisagot? Alin sa dalawa?" tumahimik sya at nag-isip ng konti, kung may isip nga ba talaga sya. Ahaha "oh ano nakapagdesisyon ka na ba? Tsaka pala ayos lang yan tingnan mo nga yang paligid mo! Halos kanina pa nagkokopyahan yung mga kakaklase mo! Tsaka hindi naman yan big deal at ngayon mo lang naman gagawin. So wag kana mahiya." pagpapaliwanag ko "ok fine! And thanks" sambit nya. Hay! Sa wakas pumayag din sya at ngayon kasalukuyang busy na sya sa pagsasagot. Kaya naman pinagmasadan ko na lang sya hanggang sa matapos sya.

Clyde POV

Sa wakas! Natapos din ang subject namin na math at lunch break na. Mabuti na lang at andyan si Sky. Naku' kung wala sya baka nangamote nanaman ako kanina. Grabe ang galing nya pala sa math hindi ko maimagined na ang subject na pinaka-ayaw ko ay ang pinakagusto nya. Talaga ngang malaki ang pagkakaiba namin pagdating sa mga bagay bagay. Nga pala Aka-lain nyo sya pa yung nag-encourage sakin na mangopya. Haha nakakatawa lanv talagang isipin, ang isang babae na ubod ng sungit, tahimik at hindi palakaibigan ay unti-unti ko nang nagiging close. Ang buhay nga naman! Kung naaalala nyo lang yung una naming pagkikita? Halos isumpa namin ang isa't-isa. Pero tingnan mo nyo ngayon dahan-dahan na kaming nagkakasundo.

Magkasabay kami ni Sky lumabas nang classroom at patungo na kami sa canteen upang maglunch ng mamataan ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha at lumapit ito

sa amin at doon ko nakompirma na sya nga.

"Hi Clyde?"

My Guardian AgentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora