CHAPTER 15 - Band-aid
Sky POV
matapos patumbahin ang grupo ng Men in Black ay agad kong nilapitan si Clyde upang kamustahin "ayos ka lang?" tumango lang sya kaya naman upang makasigurado ay tinanong ko syang muli in a nicest way "sigurado ka? Kaya mo bang tumayo?"
"O--Oo naman!" confident nyang sagot pero nakikita kong hindi naman talaga sya okay. "kung ganun' hanggang kelan mo planong halikan yang semento? Bilis tayo na!" at dahil sa pangngantsaw ko ay napilitan syang tumayo ng dahan dahan. Pero halatang nahihirapan sya at pinipilit lang ang kanyang sarili na ipakitang malakas sya
"Stop it! Ano ba tama na! Wag ka nang magpanggap na ayos ka lang, kahit halata namang hindi! Kaya sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa mga sasabihin ko." wala na syang nagawa kundi sumunod. Pandilatan ko ba naman ng mata at samaan ng tingin.
Matapos ko syang tuluyang tumayo ay tawag na ako ng taxi para maiuwi na sya sa bahay ko.
Oo! Tama ang nabasa nyo! sa bahay ko nga sya iuuwi. Huwag na kayong mag-isip ng kung ano-ano. Wala akong planong pagsamantalahan ang lalaking ito. Kaya ko lang naman sya dadalhin sa bahay ko ay para lang gamutin sya. Nothing else. Syempre alangan namang pabayaan ko syang umuwi na ganon ang itsura. Parang ang bad ko naman nun masyado.
Nang makatawag ng taxi ay agad kong ibinigay kay manong ang address ko at sumakay na kami. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa wakas. Pagkapasok namin sa loob ay agad ko syang pinaupo sa sofa at ako naman ay umakyat sa taas para kumuha ng Medkit. Pagkakuha ko ng first aid kit ay agad akong bumaba upang puntahan sya. Pagkabalik ko ay agad ko syang pinaayos ng upo para masimulan na ang gamutan session.
Clyde POV
nakaupo ako ngayon sa sofa habang ginagamot nya ang ilang gasgas ko sa braso. Pagkatapos nyang gamutin ay bumalin na sya sa mukha ko at nagsimula nang gamutin yung gilid ng labi ko na pumutok.
"Grabe! Hindi na sila naawa sa pagmumukha mo. Talagang sisirain pa talaga nila. Tsk!" sambit nya habang umiiling
"Oo nga eh! Sayang naman yung maganda kong pagmumukha kong sisirain lang nila." pagmamayabang ko kaya naman natawa sya ng bahagya
"bakit?" tanong ko "ang ibig kong sabihin Sira na nga yung pagmumukha mo sisirain pa nila. eh kahit naman gawin nila yun wala namang magbabago." and then she chuckled
"Psh! etong mukhang to sira? Ang gwapo ko kaya." ulit ko
"nagjojoke ka ba? Tatawa na ba ko?" sarkastiko nyang sabi
aba! Iniinis talaga ako ng babaeng to. Talagang sinasagad yung pasensya ko. Pwes hindi ako mapipikon.
"hindi ako nagjojoke no! May dumi lang siguro yang mata mo kaya hindi ka marunong tumingin ng gwapo. Linis linis din kasi ng mata! Para hindi mamuo yung muta." ganti ko

YOU ARE READING
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...