Chapter 20 - Weird

19 0 0
                                    

CHAPTER 20 - Weird

Ellaine POV

Grabe. Alam nyo ba nagtapat na sa'kin si Bert ng feelings nya. OMG talaga. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto nya din pala ko. At matagal na. ohmaygaaash. Hindi kaya panaginip lang to? Pakikurot nga ko. Wag na lang pala baka masakit :p

Nandito pa rin pala kami sa likod ng gym at ganun pa din yung posisyon namin. Magkayakap pa din. Yiiiiie kilig much!!! Ilang sandali lang ay bumitaw na sya sa pagkakayakap namin at inalok ako na maglakad lakad. Sumang-ayon naman ako. Naglalakad kami patungong school garden nang magkaholding hands. Sweet namin no. Bawal mainggit. Ang mainggit may kulangot sa pwet. Haha :D

Anyways Feeling ko nga naglalakad kami sa park na kami lang dalawa. Ganito pala yung feeling no. Kapag mahal ka ng taong mahal mo. Pakiramdam mo kayo lang ang tao sa mundo, yung tipo na wala kang pakielam sa mga taong nasa paligid mo. Basta ang mahalaga sya ay nasa tabi mo. Ang sarap talaga ng ganitong pakiramdam. I dont know how to put it into words, i guess words is not enough to express what i feel. Ansaabeee! :)

Matapos namin maglakad lakad ay naupo muna kami sa isang bench na malapit sa kinatatayuan namin.

"Ellaine." tawag nya sa pangalan ko. Kanino pa ba? Syempre ako. Haha

"oh bakit?" sagot ko habang nakatingin sa kalangitan

"bakit talaga? Pwede bang ano muna?" at narinig kong tumawa sya ng mahina. Ah trip yata ako nito, naku wag nya kong subukan.

"Tss." inis kong tugon

"joke lang. O sige eto seryoso na talaga. Anong relasyon ang meron kayo ni Cliff? Kung hindi mo sya mahal? Ano sya para sayo?" out of the blue nyang tanong

"ah yun ba. Sige i'll explain it to you." tumingin lang sya sa'kin ng seryoso na tila naghihintay ng mga sunod kong sasabihin

"ganito kasi yan, si Cliff childhood friend ko lang yun. At kakatransfer nya lang dito last week and classmate ko sya. At-" hindi nya na ko pinatapos magsalita kasi bigla syang sumingit "ang weird nya naman. Nagtransfer sya dito kung kelan malapit na mag-end ang 3rd grading. Bakit nga pala sya lumipat dito?"

Sinamaan ko sya ng tingin "ito na nga at sasabihin ko na kung bakit sya lumipat ang kaso sumingit ka. Wag ko na lang kaya ikwento." pangongonsensya ko, nag-peace sign naman sya "sorry. Sige tuloy muna."

"okay, basta wala mo nang tanong at patapusin mo muna ko." nagnod lang sya at ipinagpatuloy ko na ang malatelenovela na pagkikwento

"kaya sya nagtransfer dito. Gusto daw kasi nya kong tulungan na mainlove ka sakin." biglang namilog yung paningin nya sa akin at ngumisi "At ang plano nya ay ang pagselosin ka namin, kaya sya lumipat difo. But fortunately hindi pa nagstart yung plan namin ay nahulog ka na sa aming patibong which is maganda." sabay ngiti ko sa kanya

"dapat pala di muna ako umamin. Tsk sayang patay na patay ka pala sa'kin." sambit nya na may pag-iling iling pa ng ulo." kaya naman nabatukan ko sya dahil sa mga sinabi nya. "aray. Nagbibiro lang. Pero seryoso nalintikan pala ko dahil pinlano nyo pala kong pagselosin. Tsk congrats effective ha!" sarcastic nyang tugon

"sorry. Hindi ko naman gusto gawin yun, pero dahil sa mahal kita, pumayag na ko sa plano nya. Mahal mo din naman ako diba?"

"Oo mahal din kita. Ang kinaiinis ko lang ay muntik nyo na kong mapaniwala na kayo at ang masama pa ay muntik ko na rin isuko yung pagmamahal ko sayo. 'cause i thought that you are together now. Mabuti na lang andyan si Clyde at binigyan nya ko nang hope at strength para umamin sayo."

"thanks to him. So dapat magpasalamat ka din pala kay Cliff."

"ano? Pasalamat ka dyan. Hindi no! Sya nga dahilan kung bakit ako naging miserable for two days. Neknek nya." i folded my arms over my chest "remember kung hindi ka nagselos sa kanya ay hindi ka aamin."

My Guardian AgentWhere stories live. Discover now