CHAPTER 11 -Meet My Friends
Sky POV
habang naglalakad kami ni Clyde papuntang canteen ay may biglang lumapit sa amin na isang babae "Hi Clyde?" nginitian sya ni Clyde at binati "Hello din Ellaine" at ayun nag-usap sila ng ilang sandali na animo'y walang kasama at parang sila lang yung tao sa paligid. Tss! Makaalis na nga at nagugutom na ko.
"Sky?" nilingon ko yung tumawag sakin at great si Clyde na walang kwenta lang pala. Iniwasan ko na sya tingin at naglakad na ulet, nang bigla syang sumigaw ulet "Sky Hintayin mo ko!" ewan ko ba? Nung tawagin nya ang pangalan ko at sabihin na hintayin ko sya. Para bang awtomatiko na huminto ang mga paa ko. Lumingon ako sa kanya
"hintayin mo naman kami ni Ellaine! Sasabay na kami sayo maglunch. Oh sya' tara na!" nagpoker face lang ako sa kanya
This is so great! Akala ko kaya nya ko hinabol ay para makasabay ako? Hindi pala! Kundi sasabay lang pala silang dalawa! Tss! Ano ko tour guide?! Bwisit sila!
Nandito na kami sa canteen at nag-iisip pa silang dalawa kung anong bibilhin nila. Kainis lang parang invisible ako dito ha? Kung magharutan sila akala mo walang tao sa harapan nila. Hindi naman sa OP ako sa kanila. Alam nyo naman na sanay naman ako mag-isa pero ewan ko ba? Bakit ba parang gusto ko pansinin din ako ni Clyde. Tsk!
After a few minutes sabi nila nakapili na daw sila at sabi ni Clyde sya na daw oorder. "Girls dito muna kayo ha' oorder lang ako, nga pala papunta na si Bert. Oh sige alis na ko." paalam nya
Sino si Bert ? O.o
Bert POV
Tinext ako ni Clyde na pumunta na nang Canteen.
From: Clyde
Dude! Punta kana dito sa canteen' sabay kana samin maglunch ni Ellaine.
To: Clyde
Ok! Got it!
Massage sent
Syempre dahil sa nandoon si Ellaine pupunta talaga ko. Kaya naman pagkabasa ko palang nyan agad na akong nagtungo sa canteen at makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ako. Tumingin tingin ako sa paligid upang malaman kung saan sila nakapwesto at paglingon ko sa bandang kanan ay nakita ko si Ellaine at nagwave sya sa akin kaya naman pumunta na ko dun at umupo. Pagkaupo ko napansin kong may isang pamilyar na mukha ng babae ang kasama sa table.

YOU ARE READING
My Guardian Agent
Teen FictionGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...