Chapter 18 -Broken

30 0 0
                                    

CHAPTER 18 - Broken

Clyde POV

Haaay! 'buti na lang at friday na ngayon. So it means after this weekends na. Salamat naman at makakapagpahinga na ang aking munting utak. Kawawa naman kasi sya. Masyado nang torture sa school. Grabe naman kasi palagi na lang after lesson quiz tapus may activity pang kasunod. At ang malupit pa sa lahat may homework pa. Tsk! Nakakatuyo lang talaga ng brain cells.

ay nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo magkasabay pala kami ni Bert na naglalakad papuntang Infinity High.

"nga pala. Kailan mo plano magconfess kay Ellaine?" pagsisimula ko ng usapan

"Psssh." saway nya sakin habang nakalagay yung hintuturo nya sa bibig nya bilang sign na wag ako maingay

"huh?"

"wag ka maingay dude! Baka may makarinig sayo."

"bakit? Ikaw lang naman kausap ko. Wala namang iba."

"naninigurado lang. Mahirap na. Tsaka HELLO nandito na kaya tayo sa harap ng school. Kaya kung pwede wag ka na magmentioned ng name. At pakihinaan lang yung boses mo."

Napakamot naman ako sa ulo "ah pasensya na."

"pero mabalik nga tayo sa tanong ko kanina. So kailan mo plano sabihin?"

"siguro mamaya. ay ewan 'di pa ko handa. Aiissh! basta bahala na" magulo nyang sagot

"ah. Pero ito payo lang. Kung ako sayo bilis bilisan mo yang paghahanda mo. Baka magulat ka huli ka na. Kaya habang maaga pa, kumilos ka na." bigla syang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako

"Salamat." wika nya habang nakangiti ng wagas at nagmadali nang umalis

"PARA SAN?" sigaw ko habang nakatayo pa rin sa pwesto namin kanina

"BASTA." yan ang sagot nyang walang ka kwenta kwenta. Hay! Ang gulo talaga nun. Makalakad na nga.

Bert POV

ano ba yan! Kanina ko pa inaantay magdismissed. Halos matunaw na yung wall clock sa classroom namin kakatingin ko. Tsk. Bakit ba ganun? Parang sadyang ang bagal lumipas ng oras ngayon. Hindi kaya sira tong relos namin dito o baka naman inaadjust ng teacher namin ng palihim. Di naman siguro. Ay ano ba yang pinag-iisip ko. Masyado lang siguro akong excited para magtapat kay Ellaine.

After 12345678901234567890 years ay nag-uwian na din kami. Yes! This is it. :)

Kasalukuyan naglalakad ako papunta sa corridor ng makasalubong ko ang ilang kaklase ni Ellaine na naglalakad.

"ang gwapo talaga ni papa cliff noh!" Girl #1

"sinabi mo pa!" Girl #2

Sinong Cliff? O.o hayaan na nga natin yun. Mas gwapo naman ako dun

Nang makalapit na ko sa kanila ay agad akong sumingit sa usapan nila "excuse me girls?" bati ko sa kanila kaya napatigil sila sa paglalakad at sa pag-uusap nila "yes?" sagot ng isa sa kanila

My Guardian AgentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang