CHAPTER 22 -Jellyman
Clyde POV
Makalipas ang ilang araw ng paghihintay ay heto at intrams na. Ito na ang matagal naming hinihintay ang isang buong linggo ng kasiyahan na walang pinoproblema at iniintindi na assignment exam o kung ano pa man. Dahil ito ang araw ng pagsasaya naming mga estudyante. Ang kaso may panira ng kaligayahan namin at yun ay ang pagsali sa ilang clubs na itatayo. At yun ang tinutukoy namin na panira ng intrams. Diba badtrip?! Ok na e! Ang kaso may paganyan ganyan pa silang nalalaman. Sakit lang sa bangs!
Sandali lang ha' bago ko pa masabi ang hindi dapat sabihin ay kausapin ko muna tong katabi ko.
"psst! Oy!" tawag ko kay Sky
"ano yun? Tsaka wag mo nga ko sitsitan may pangalan ako. Kaltukan kaya kita ng matauhan ka. Grabe ka tamad.
"Oo na. Dami pang sinabi." bulong ko
"anong sabi mo? Narinig ko yun!" sabay tingin nya sakin ng nakakatakot
"wala. Ano kako, ahmmm-"
"ANO? ANO!" ayan na po nagtatransform na po sya into a dragon mga kaibigan. Kelangan ko ng makaisip ng palusot bago nya pa ko bugahan ng apoy.
"ang ganda kako ng buhok mo. Nagparebond kaba? Ang shiny kasi at straight nastraight." pamboba ko. Sana gumana
"ganda din pala ng nail art mo." dagdag ko sabay ngiti ng ganito "~~~~~~~"
"Hoy! Mr. Clyde Buenaventura."
"y-es" kabado kong sagot sabay lagok ng laway
glup glup glup
"FYI hindi ako bingi at uto-uto! para sabihin ko sayo hindi ako rebonded natural yan. At anong sinasabi mong ang ganda ng nail art ko? Nakikita mo bang colorless ang nail polish ng nails ko." sabay mostra nya ng kamay nya sa harapan ko. Patay! Im dead! Lord please. Ibuka muna po ang lupa. Parang gusto kong lamunin na'ko ng lupa ng buhay dahil sa pagkapahiya.
"Nice try."
"oh god help me please" paulit ulit kong bulong dahil malamang sa malamang makakatikim nanaman ako sa kanya ng sandamakmak na alipusta at sakit ng katawan. Na wag naman sanang mangyari.
makalipas ang ilang minuto
Teka! Bakit ganito parang ang tahimik naman yata?at bakit ganun? Parang hindi sumasakit ang mga kasukasuan ko? Oh cr*p! Hindi kaya nasa heaven na ko? Holy sh*t!!
Maya maya pa ay nabalik na ko sa aking sarili matapos nya kong kulbitin. "oy ayos ka lang?" malumanay nyang pagtatanong. Ako naman ay pakurap-kurap at bahagyang inoobserbahan taong nasa aking harapan. bakit ganito nakakapagtaka parang ang bait nya naman yata? and then i finally came back to myself when she snapped on me. "ah ako. Oo naman. He-he-he" palusot ko habang ngumingiti ng pilit
"ok. Ou nga pala bago ko pa makalimutan ano pa lang nais mong itanong kanina?" ayan nanaman po sya. Aist! Ano ba yan! Bakit ba sya ganyan nakakadistract! Di ako sana'y pakiramdam ko tuloy ibang tao yung kaharap ko. Sya ba talaga to? O baka naman kinuha na ng mga alien yung Sky na kilala ko? Ano ba yan lumulutang nanaman ang utak ko. Tsk!
"ok. Mukhang wala ka naman yata itatanong. Sige"
"hindi!"
"huh?"
"ano kasi. Ah ano pa lang Club ang sinalihan mo?"
"taekwondo club. Bakit?"
"ah. Wala lang. He-he-he"
"ikaw?"
"ako? Art club pero"
"pero ano?" pagtatanong nyang muli habang nakatayo ng diretso sa aking harapan st naghihintay ng aking isasagot
KAMU SEDANG MEMBACA
My Guardian Agent
Fiksi RemajaGenre: Romance, action, drama, comedy and mystery. What if magkaroon ka ng Guardian na agent. Yung tipong parang bodyguard mo na. But hindi sya guy kundi girl. Magkakasundo kaya sila...