Gianna Dyson
Ako yung klase ng babae na hindi tumitili kapag may gwapong dumaan sa harap ko. Ayoko sa mga lalaki sa totoo lang, except sa Dad ko. Hindi rin ako mahilig sa mga dress, heels, make up o kahit na anong gamit pambabae. I prefer plain t-shirt, pantalon at rubber shoes. Ayoko rin pala sa pink, sakit lang sa mata.
Btw ako nga pala si Gianna Dyson. Realtalk lang ha? Hindi ko gusto ang pangalan ko. Who the hell in this world would named me Gianna!? I prefer Nixon or Blaze Dyson as my name.
(Gianna is read as Jiana and Dyson as Dai-son)
"Magkadikit na naman yang kilay mo" sabi ni Cess. In long, Princess Ann Larsen. Bestfriend ko siya pero kabaliktaran niya ako. Mabait, maganda, matulungin at higit sa lahat, MAHILIG SA PINK at mga girly stuff. Ewan ko ba kung bakit kami naging magbestfriend nito. Inirapan ko nalang siya.
"Ano na naman ba ang nagpapainit sa ulo mo mahal na prinsesang prinsipe?" tanong niya ulit.
"Tumahimik ka nalang" sabi ko.
"Okay" sabi niya pero maya maya lang ay nagsalita ulit siya.
"Balak mo bang tumandang dalaga Gia?" tanong niya na naman. Tinignan ko siya ng deretso at walang kaemo-emosyon.
"Bakit nakakamatay ba ang mag isang tumanda?" wala paring emosyon kong tanong.
"Hindi naman, pero malungkot ang maging mag isa" sabi niya na para bang nag aadvice.
"Masaya naman ako sa sarili ko, masaya ako sa kung anong meron ako, bakit pa ako malulungkot?" seryoso kong tanong.
"Pero yung sayang nararamdaman mo ngayon ay unti unti ring magbabago at mapapawi, darating ang araw na magiging malungkot ka at kailangan mong hanapin ang makakapagpasaya sayo" seryoso din niyang sabi.
"Damit, sapatos at pagkain lang ang nakakapagpasaya sakin" sabi ko.
"Pano kung mawala ang mga bagay na yan sa mundo? Hindi sa lahat ng oras, materyal na bagay lang ang makakapagpasaya sayo" sabi niya.
"Bakit mo ba pinagpipilitan na kailangan ko ng lalaking magmamahal sakin?! Na kailangan ko ng taong makakasama hanggang sa mamatay ako?! Eh si Lola Lena nga na kapitbahay namin dati, mag isa rin sa buhay pero masaya at kuntento siya" sabi ko at medyo napataas ang boses.
"Mag isa siya ngayon oo, pero nagkaasawa siya Gia, maaga lang namatay ang asawa ni Lola Lena at dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa niya, hindi na siya nag asawa ulit" sabi niya kaya wala na naman akong lusot.
"Pwede ba?! wala sa listahan ng wishlists ko ang magkaboyfriend, kaya't sa ayaw at sa gusto mo, hindi ako magboboyfriend!" galit na sabi ko.
"Sabi mo eh" sabi niya at bumuntong hininga.
Lumabas na kami sa Coffee Shop at pumunta sa school. Tiningnan ko ang oras at late na pala kami ng 30 minutes.
"Shemay! Late na pala ako- este tayo! una muna ako sa classroom Gia ah! Patay ako nito kay Sir-Terror-But-Gwapo. Pumasok ka na rin" sabi niya. Malandi rin pala siya, nakalimutan kong i describe kanina.
Tumango lang ako sa kanya at ako naman ay chill lang na naglalakad sa hallway. Wala ng mga estudyante na dumaraan dahil 30 minutes na nga kaming late sa first subject namin. Nasa dulo ang classroom namin at medyo malayo rin yun. Paliko na ako papunta sa classroom ko ng biglang...
"PUTA!" sabi ko ng may bumangga sakin. Humarap ako sa kanya. Matangkad, gwapo pag nakatalikod pati harap, ang ganda din ng brown niyang mata, matangos ang ilong at yung labi niya..... TAE KADIRI KA GIA BA'T MO BA DINE-DESCRIBE NG GANYAN YANG BULAG AT TANGANG UNGGOY NA YAN!!? KADIRIIIIII!
"Stupid" bulong niya pero narinig ko naman!
"Anong sabi mo?!" sabi ko habang nakataas ang isa kong kilay.
"I said, you're beautiful" nakangising sabi niya. Tinignan ko siya ng masama.
"DON'T.CALL.ME.BEAUTIFUL!" sabi ko habang galit na galit na nakatingin sa kanya. Kumuyom naman ang dalawa kong kamay.
"Ahw, akala ko mamumula sa kilig ang mga babae kapag sinabihan silang maganda, i guess iba ka " nakangisi paring sabi niya.
"First of all, tanginamo! Second, stupid ang una mong sinabi at hindi ang maganda ako! Third, wag mo kong english englishan dyan! nasa Pilipinas ka at wala ka sa Amerika!" sigaw ko sa harap niya.
"Then it's not my fault anymore if you don't understand what I'm saying" sabi niya habang nakataas ang isa niyang kilay.
Naikuyom ko nalang ang dalawa kong kamay at saka tumalikod. Easy Gia, easy. Baka makick out ka ulit dito. Paglakad ko ay nagsilabasan na ang mga classmate ko mula sa classroom.
"Omg si Slate!" sabi ng negra kong kaklase.
"God ang gwapo niya talaga!" sabi nung isang parang gatas sa sobrang putla.
"Laglag yung panty ko bes pakikuha nga!" sabi naman nung isang parang gorilla ang mukha sa isa pang kasama niyang mukhang unggoy, infairness, perfect match sila.
"Hey Gianna, did you and Slate talked?" tanong ng bitch na si Aria. Siya yung classmate kong trying hard sa pag e-english, eh hindi naman bagay sa kanya. Kung minsan ay mali mali pa ang grammar or should I say ALWAYS? Ginoogle na naman siguro niya yun kaya nakachambe amputa.
"I don't even know who's Slate bitch" sabi ko at nilagpasan siya. Umupo ako sa pinakadulo pero nasa may bandang bintana. Wala akong kasama sa likod kaya ko napili dito. Ayokong tumabi sa mga malalanding unggoy sa classroom nato, ang iingay! Pagkaupo ko ay nakita ko sina Aria at ang malalandi niyang kasama na nasa pintuan ng classroom namin at masamang nakatingin sakin.
"Problem?" tanong ko sa kanila. Napapa english talaga ako pag malalandi yung mga kausap ko eh!
"YOU DON'T KNOW SLATE AJAX!?" galit na sigaw nila pero mas nangingibabaw ang boses ni Aria kaya napatingin ang ibang kaklase ko sa amin.
(Ajax as in a in a,b,c and jax as in jacks)
"I don't know him/her bitches! why are you shouting!?" galit ko ring tanong sa kanila. Ba't ba sila nagagalit at sumisigaw!!?
"BECAUSE YOU DON'T KNOW SLATE AJAX!" sigaw nila ulit pero nangingibabaw parin ang tinig ni Aria. Pero bago pa ako makapagsalita ulit ay may nagsalita na.
"Then what's the problem if she don't know me?" sarkastikong tanong ng lalaki.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...