Chapter 16

15 0 16
                                    

Gianna Dyson

9 months later


Yup, umabot kami ng 9 months ni Slate. Hindi ko inakala na magtatagal kami ng ganito. Hindi ko inakala na may magtatagal sakin ng ganito.

Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari sa loob ng 9 months? Ganun parin. Magkatabi kami ni Slate ng upuan at nakikinig sa prof namin. Kapag lunch ay sabay kaming nina Cess at kapag uwian niya ay hinahatid niya kami sa bahay.

At kapag monthsary namin? Simple lang, kumakain kami sa labas tapos gagala kung saan saan. At kinagabihan nun ay mags-star gazing kami, dun sa pinagdalhan niya sakin nung kinwento ko sa kanya ang nakaraan. (Chapter 8-9)

Hindi ko alam pero unti unti akong binabago ng pagmamahal ni Slate. Parang nanlalambot ako kapag kasama ko siya. Para bang siya ang kahinaan ko.

Pero may malaking problema. May asthma ako. Last month ko lang nalaman. At hindi alam ni Slate. Ayokong mag-alala siya sakin dahil parang alam ko na ang patutunguhan nito. Palala nang palala ang sakit ko. Sabi ng doktor ay baka hindi na ako makapag aral sa susunod na taon.

Pag uwi ko galing sa school ay nanghihina ako. Madali akong mapagod at susunod doon ang pagsikip ng dibdib ko.

"Love? Okay ka lang?" tanong ni Slate habang nagmamaneho. Pauwi na kami. Hindi sumabay si Cess dahil may project daw silang gagawin ng mga kagrupo niya.

"Ah oo naman, bakit?" sabi ko.

"Kanina ka pa kasi tahimik at parang ang lalim ng iniisip mo" sabi niya. "May problema ba?" tanong niya.

"Ahh wala, hindi lang ako makapaniwala na ang tagal na pala natin" nakangiting palusot ko.

"Mas gugulatin pa kita dahil magtatagal pa tayo love" nakangising sabi niya. Nginitian ko nalang siya pabalik.

Now Playing: Till I Met You by Angeline Quinto

Nang makarating na kami sa apartment ay bumaba kami pareho.

"Ingat sa pagdrive ah?" nakangiting sabi ko.

"Oo naman" nakangiti ring sabi niya.

"I love you" nakangiting sabi ko at saka siya niyakap. Niyakap niya naman ako pabalik.

"I love you to the moon and back and to the deepest water of the sea" sabi niya. Dahil dun ay mas niyakap ko pa siya ng mahigpit. At yun hindi ko na napigilang umiyak.

"Thank you" halos pabulong ko ng sabi. "Thank you beacuse you loved me" iyak paring sabi ko.

"I love you" sabi ko.

"I hate you" sabi niya kaya napatigil ako at humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya.

"I hate you for making me fall for you over and over again" at saka siya lumapit at pinunasan ang basa kong pisngi.

"Meeting you was like listening to a song for the first time and knowing that i would love you" seryosong sabi niya. Niyakap ko siya ulit dahil naiiyak na naman ako. Isa rin to sa mga pagbabago ko. Nagiging iyakin na ako.

"I love you" sabi ko nalang at saka yumakap ulit sa kanya.

"Don't cry love, I don't want to see you crying. It's like I want to punch my face for making you cry like that" sabi niya kaya natawa ako.

"I just love you, masama ba?" tanong ko nang humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Hindi naman, wag ka lang umiyak" nakangiting sabi niya.

"Sige na umuwi ka na, ingat ka pauwi ha?" sabi ko.

"Love? pwedeng pwede ka ng maging asawa ko alam mo ba yun?" nakangising sabi niya kaya namula na naman ang pisngi ko.

"Umuwi ka na nga, ang dami mo pang sinasabi" sabi ko.

Hinalikan naman niya ako sa noo bago pumunta sa kanyang sasakyan at bago siya pumasok ay kumaway siya sakin. Kinawayan ko naman siya pabalik at hinintay na makaalis.

Isa rin ito sa mga hindi nagbago samin ni Slate. Ang sweet niya parin sakin. Parang walang nagbago nung naging kami.

Pumasok na ako sa loob at tsaka umupo sa sofa. Naninikip na naman ang dibdib ko.

"Gia okay ka lang?" tanong ni Cess. Alam niya ang tungkol sa sakit ko. Pati ang pamilya ko ay alam na rin ang tungkol dito.

"Pahingi ng tubig Cess" sabi ko at agad naman siyang kumuha.

"Alam ba to ni Slate?" tanong niya habang umiinom ako.

"Hindi" sabi ko pagkatapos uminom ng tubig.

"May karapatang siyang malaman Gia" sabi niya.

"Alam ko Cess, alam ko. Ayoko lang na mag-alala siya sakin" sabi ko.

"Buti nga yun, para gumaling ka Gia. Mas lalong kang nas-stress niyan eh" alala niyang sabi.

"Kaya ko pa naman Cess, wag na kayong mag-alala" sabi ko.

"Huwag mag-alala? Eh kung pwede ngang bantayan kita buong araw gagawin ko! Jusko Gia kapag may mangyaring masama sayo, baka hindi ko kayanin" sabi niya.

"Cess, okay nga lang ako. Sasabihin ko sayo kapag may masakit sakin okay?" sabi ko.

"Basta wag kang magsikreto sakin! Kung may masakit sabihin mo sakin agad!" nakanguso niyang sabi.

"Oo nga" nakangiting sabi ko.

Nang malaman ko na may sakit ako, doble alaga sakin si Cess. Pati si mama at pala ay parating tumatawag sakin at kung minsan ay bumibisita sila sakin dito sa apartment. Naisip ko rin na, ang swerte ko pala. Ang swerte swerte ko sa mga taong nakapaligid sakin. Ang swerte ko dahil nandyan sila. Ano pa bang hihilingin ko? Siguro ang mawala na ang sakit kong ito. Yun lang at kuntento na ako. Pero parang ang labo na. Palala na nang palala ang sakit ko. Ni konti hindi man lang naagapan.

Kumain na kami ni Cess at habang kumakain ay nagk-kwentuhan kami about sa school, classmates, schoolmates namin. Pagkatapos ay siya na ang nanghugas at ako naman ay dumeretso na sa kwarto. Agad akong humiga sa kama.

"Malapit na pala ang summer. Huling linggo na namin ngayon" sabi ko. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko at tinignan ko naman kung sino.

Love Calling...

"Hello?" sabi ko pero ang tahimik sa kabilang linya. "Love?" sabi ko pero wala parin.

"Hay" bumuntong hininga nalang ako.

"I miss you" biglang sabi niya.

"Kakakita lang natin kanina ah?" sabi ko.

"Kahit naman magkasama tayo namimiss parin kita" sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga" nalang ng nasabi ko.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Oo, ikaw?" sabi ko.

"Mas nabusog pa nung narinig ko na ang boses mo" sabi niya kaya tumawa nalang ako.

"Matulog ka na"sabi ko.

"Ikaw rin, wag magpupuyat ah?" sabi niya.

"Yeah yeah. Goodnight. I love you" sabi ko.

"Goodnight love. I love you more" sabi niya at pagkatapos ay binaba ko na.

Pano kung lalong lumala ang sakit ko? Kinakabahan ako, pero mas kinakabahan ako samin ni Slate. Hindi ko 'to dapat sinisikreto pero para narin to samin. Ayokong mag-alala siya sakin lalo na't palala na nang palala ang sakit ko. Ayokong mapagod siya sa pag-aalaga sakin.

Nag isip lang ako nang nag isip hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Having YouWhere stories live. Discover now