Gianna Dyson
"YUNG TOTOO!? NAKASHABU KA!? ILAN BA NAHITHIT MO HA!? PA-REHAB KA NA KAYA!?" sigaw ko sa kanya. Papunta na rin kami sa classroom namin. Tumigil siya bago magsalita.
"I'm serious here" bored na sabi niya.
"Seryoso din ako gago! Ano!? Pa rehab kana kaya!?" seryoso kong sabi na may halong galit.
"Pwede ba!? Hindi ako nakahithit o ano man yan, SERYOSO AKO!" iritang sabi niya.
"Slate naman! di ako yung tipong babaeng shinoshota, ba't ako pa!? Si Cess nalang kaya!?" sabi ko.
"Who's Cess?" tanong niya.
"Kaibigan ko. Maganda, mabait, sweet lahat! Siya yung shinoshota Slate, hindi ako!" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw lang ang kilala ko" sabi niya.
"Ba't pa kasi ako ang nakilala tangina" inis kong bulong.
"Hey, kailangan ko lang ng tulong okay? Sa sobrang bait kasi ng parents ko pati lovelife ko inaalala nila. Na baka daw tumanda akong mag isa, ganito ganyan aish! Hindi kasi sila makapaghintay eh!" inis niyang sabi sabay gulo sa kanyang buhok.
"Urgh! But ba kasi kailangan pa pati sa public!?" inis kong sabi.
"Dahil binabantayan ako ng parents ko kahit saan" bulong niya.
"Huh? Eh wala naman sila dito ah?!" sabi ko at nilibot ang paningin.
"May inuutusan silang magbantay sakin" sabi niya. Lumaki naman ang mata ko.
"Para saan naman ang pagbabantay!?" inis kong tanong.
"To protect me" sabi niya.
"Hello!? Duuuh? Ano ka 3 years old na naliligaw sa skwelahang to!?" sarkastiko kong sabi.
"Alam ko! Hindi ko rin alam kung bakit nila ako binabantayan!" naguguluhan ring tanong niya.
"Then is it a deal?" tanong niya.
"K" i said while looking at him coldly.
"What's with the K!?" nalilitong sabi niya.
"Ayokong sabihin ang salitang deal dahil para naring sumang-ayon ako sa kagaguhan ng isang baliw. K will do" sabi ko nalang.
"Ang dami mo rin palang kaartehan" nakangising sabi niya at inakbayan ako. Nagsimula na kaming mag
"Pwede ba wag mo kong akbayan! Ang baduy!" sabi ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Magpapanggap nga tayo sa publiko diba?" pagpapaalala niya sa deal. Taena naman neto!
"Huwag akbay! Ang baduy mo!" irita kong sabi.
"Edi ito nalang" sabi niya.
"An-" hindi ko natuloy ang asabihin ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagulat ako dun kaya napatingin ako sa kamay naming magkahawak.
"Sabi mo baduy ang akbay? Edi holding hands! Ez men" pacool niyang sabi.
"Humanda ka talaga pag walang tao, torture ka sakibg gago ka!" matigas kong bulong sa kanya.
"You're so sweet babe" nakangising sabi niya.
Nakarating na kami sa classroom at nagkatinginan naman sila samin. Binitawan ni Slate ang kamay ko kaya ako deretso lang sa pagpunta sa aking upuan. Pagharap ko ay nakita kong nakatayo sa harapan si Slate.
"Hey nigguhs! May gusto lang akong sabihin sa inyong lahat" panimula niya sabay tingin sakin. Tinignan ko naman siya ng are-you-crazy look. "Kami na ni Gianna Dyson, yung katabi ko sa upuan" sabay turo sakin. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Wala namang nagreact sa kanilang lahat pwera nalang ang malanding si Aria at mga alagad niya. "Kung sino man ang gumalaw o humawak sa kanya, sisguraduhin kong manghihiram ka nalang ng mukha ng daga" nagbabanta niyang sabi kaya nabigla na ako dun. Napatayo naman ako sa sobrang inis kaya napatingin naman silang lahat sakin. Agad kong binawi ang inis kong mukha.
"No comment" sabi ko nalang at umupo ulit. Naramdaman kong tumabi na sa akin si Slate kaya nilingon ko ito.
"Ano na naman bang kagaguhan yun ha!?" matigas kong bulong.
"Para naman kapani-paniwala at kumalat sa buong skwelahan" nakangisi niyang tanong.
"Pakshet ka talaga, ipapahamak mo pa 'kong gago ka" inis kong sabi. Narinig ko naman ang bulong bulongan ng mga malalandi kong kaklase.
"What!? Sila na!? NO WAY!" parang maiiyak na na boses ng babae.
"Ang landi talaga" galit na sabi ni Aria.
"I know right!" sabi ng isa sa kasamahan niya.
"May tinatago palang landi ang babaeng yan" sabi ng isa sa kanila. Hiya naman si ako bes.
"Don't mind them honey, they're just jealous" sabi niya.
"Tigil tigilan mo ako sa pa-honey honey mo! Kakagatin talaga kita na o
parang bubuyog!" matigas ko paring bulong."So sweet of you hon" sabay kindat sakin. Pinapainit niya talaga ang ulo ko!
Nagsimula na ang klase namin pero nag-iinit parin ang ulo ko. So ito na ang simula ng kamalasan ko!? Wala na bang mas sasama pa sa araw nato!?
Natapos ang dalawa naming klase at lunch na. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
"Hey we should eat lunch together" nakangiting sabi niya. Iniinis niya ba ako!? Urgh!
"Edi sumabay ka!" galit kong sigaw sa kanya. Sumunod naman siya sakin.
Pagdating namin sa canteen ay nandun na si Cess. Lumaki naman ang nata niya nang makita niyang kasama ko si Slate.
"B-bakit mo s-siya kasama G-gia" nanginginig na turo niya kay Slate.
"Hi, ikaw ba si Cess? I'm Slate Ajax. Boyfriend ni Gia" pagdidiin niya sa boyfriend. Nabigla naman si Cess at tumingin sakin. Iniabot ni Slate ang kamay niya kay Cess na para bang makikipag shakehands siya rito. Dali dali naman itong inabot ni Cess.
"I-i'm Cess. Princess Ann Larsen" nakangiting sabi ni Cess.
Nagsiupuan naman kaming tatlo. Katabi ko si Slate habang kaharap namin si Cess. Tahimik lang kaming kumakain dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.
"Ahh...una muna ako sa inyo ha? Nice to meet you Slate, bye Gia" sabi niya sabay tayo at nagsimula ng maglakad ng mabilis.
"Tara na" sabi ni Slate sabay alok ng kanyang kamay sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko diba? Ako ng si Marceline diba?" sarkastiko kong sabi sabay tayo ngunit tinawanan lang niya ako. "Anong nakakatawa?!" irita kong tanong sa kanya.
"Ang panget mo HAHAHA" tawa njya ng malakas kaya nagtinginan ang mga taong nakakasalubong namin sa amin. Yumuko nalang ko sa hiya dahil sa kasama ko.
"Nakakahiya ka" sabi ko habang nakapikit pa ang mga mata. Napatigil naman siya sa paglalakad.
"Kinakahiya mo na ba ako hon?" nakapout pang sabi ng gago.
"Balakajan" sabi ko at iniwan siya.
Humabol naman siya at tumabi sakin. Bahagya pa akong nagulat dahil hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin itong binawi. Nakarating kami sa classroom habang hawak hawak niya parin ang kamay ko.
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...