Gianna Dyson
"Anong sabi mo Aria?" tanong ng isang kilalang kilala ko na boses. Tumingin naman si Aria sa pinanggalingan ng boses at natahimik siya. Siguro bilog na bilog na ang mga mata niya ngayon."S-slate" nanginginig na ang mga tuhod niya sa kaba.
"Pakiulit nga ng sinabi mo" walang emosyon na tanong ni Slate. Nakakatakot nga ang itsura ngayon ni Slate kung titinignan mo. Para siyang kakain ng tao.
"H-hiwalayan ka n-niya" sabi niya.
"Sino ka ba sa akala mo Aria? Hindi ka diyos para sundin ni Gia" papalapit na ngayon sa amin si Slate na lalong nagpakaba kay Aria. Nanatili nalang akong tahimik.
"S-sorry Slate" nakayukong sabi ni Aria nang makalapit na si Slate.
"Kay Gia ka magsorry" wala paring emosyon na sabi ni Slate. Imbes na magsalita siya ay bigla nalang siyang tumakbo palabas habang tinatakpan ang mukha.
"Ang kapal din naman niyang umiyak, eh siya tong sumusugod ng wala sa oras" irita kong sabi.
"Okay ka lang? Sinaktan ka ba niya?" tanong niya at tumabi sakin.
"Kaya ko nga ang isang yun, kung hindi ka lang naman sumingit" sabi ko.
"Hahahaha hindi ko rin napigilan eh, masyado ng mahaba ang sungay at buntot niya" sabi niya.
"Oo nga, puputolan ko na sana eh" sabi ko.
"HAHAHAHAHHAAHHAHAHHA nakita mo ba yung mukha niya nung nakita ako? Nakakatawa HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa niya ng pagkalakas lakas habang nakahawak ang mga kamay niya sa tyan niya.
"Nanginginig pa nga ang mga tuhod niya eh HAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabi ko naman at tumawa.
"Pinapahiya niya lang yung sarili niya HAHAHAHAHHAHAHAHA" sabi niya habang tumatawa parin.
"Hindi naman marunong lumaban HAHAHAHAHAHAHAHAHAH" sabi ko habang tumatawa rin.
Himala at ngayon lang kami nagkasundo sa isang bagay at ang nakakatawa pa ay kay Aria.
Tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa napagod na kami. Pinunasan ko ang mga mata kong lumuluha dahil sa kakatawa at ganun din ang ginawa ni Slate. Maya maya lang ay bigla niya akong hinila palabas.
"Teka san mo na naman ba ako dadalhin?" tanong ko habang hila hila parin ako.
"Basta" sabi niya.
Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kanyang sasakyan. Tinignan ko ang oras at recess na pala.
"Saan ba talaga tayo pupunta Slate?" tanong ko at nagsimula na siyang magmaneho. Umupo ako sa passenger seat
"We should have our first date" nakangising sabi niya sa akin.
"Pwede naman sa Saturday or Sunday, ba't ngayon pa?" tanong ko.
"Eh wala naman daw papasok na mga teachers sa atin" sabi niya.
"Kahit na, baka may pumasok parin kahit isa" sabi ko.
"Wow. Eh hindi ka naman nakikinig sa klase Gianna Dyson, ngayon ka pa nag alala na baka may pumasok na teacher. HAHAHAHAHHA" tawa niyang sabi.
"Tanginamo" sabi ko nalang.
Nagdrive lang siya at ako naman ay tumingin nalang sa daan. Inon niya ang radio at nagplay ang paborito kong singer at kanta.
Now Playing: Torete by Moira Dela Torre
YOU ARE READING
Having You
Teen FictionAng akala ko ay tatanda akong mag-isa. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng makakasama sa buhay nang biglang makilala ko ang isang taong magpapabago sa desisyon ko. Pero desisyon ko nga lang ba ang magbabago? O pati buhay ko? Does having you i...